Advertisers
IPINAGBAWAL na dati ng Department of Education ang “educatioal field trip” kuno para sa mga mag-aaral partikular daycare hanggang elementary.
Ang rason noon ng DepEd sa pagbawal sa field trip ng mga musmos na mag-aaral ay ang sunud-sunod na trahedya sa pagbibiyahe tulad ng pagkabangga o pagkahulog sa bangin ng sasakyan, pagkalunod sa swimming, pagkakasakit ng mga bata at kung anu-ano pang aksidente sa lugar na pinupuntahan.
Tapos heto naman, nauuso uli ang field trips ng mga kabataang mag-aaral. Tapos may waiver pang papipirmahan sa magulang na walang sagutin ang titser at school kapag may nangyaring masama sa bata. Animal!
Ang panakot pa rito ng titser ay hindi makakapasa ang estudyante kapag hindi sumama sa field trip. Yawa!
Mabuti sana kung P100 lang ang bayad sa lintik na field trip. Eh P1,500 hanggang P3,000. Depende sa layo na pupuntahan. Halimbawa: Manila to Enchanted Kingdom, P1,500 ang bayad. Pag Manila to Mall of Asia (MOA) ay P1,000. Sa bata lang ito. ‘Pag may kasama ang bata, doble ang bayad. Saan ito kukunin ng isang kahit, isang tuka na mga magulang? At maituturing bang educational venue ang Enchancted Kingdom eh puros swings at swimming ang naroroon? Sa MOA naman walang matotonan ang mga bata. Mas maige pa kung sa Manila Zoo, makikita roon ng mga bata ang mga rebulto ng iba’t ibang hayop. Hehehe…
Once again, para sa akin, hindi ako sang-ayon sa sapilitang pagpasama sa mga mag-aaral sa field trip. Gawin nalang optional at huwag i-require ang waiver para may pananagutan ang titser at school kapag may nangyaring ‘di maganda sa kanilang pamamasyal. Mismo!
***
Mukhang aabot sa paretirong PNP Chief, General Rodolfo Azurin, Jr., ang imbestigasyon sa nasabat na P6.7 billion na halaga ng shabu na nakuha sa sinibak nang operatiba ng PNP Drug Enforcement Group na si Master Seargent Rodolfo Mayo noong Oktubre 2022 sa Tondo, Manila.
Ito’y matapos ibunyag ng nag-leave nang PDEG Director na si Brigadier General Narciso Domingo na si Azurin ang nag-utos para i-delay at baguhin ang report sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Naalala ko rin nang hindi kaagad ipatupad ni Azurin ang resolution ng PNP Internal Affairs Service (IAS) noong Enero 2023 na sibakin sa serbisyo si Mayo dahil nga sa nakuhang 990 kilos ng shabu sa kanyang leanding office sa Tondo.
Ibinunyang din ni Lt. General Benjamin Santos Jr, noo’y PNP Deputy Chief for Operations, na huli na siya dumating sa scene of the crime. Pumunta raw siya roon para batiin ang operatives. Actually, aniya, nung una ay hindi 990 kilos ang dineklarang huli. Pero umalma siya. Siya rin daw ang nag-utos na irebyu sa CCTV footage sa lugar, kungsaan nakita ang pangungupit ng dalawang operatives (MSG Lorenza Catarata at SMS Jerewin Rebosora) ng 42 kilos sa nasamsam na 990 kilos ng shabu.
Sabi ni Santos, pinag-iisipan pa niya kung mag-leave tulad na ipinanawagan ni Interior Sec. Benhur Abalos. Gusto niya raw magretiro ng mapayapa sa sunod na anim na buwan.
Anyway, mapipiga ang mga opisyal na isinasangkot ni Mayor sa kanyang illegal drugs operation sa Senate inquiry sa sunod na linggo. Abangan!
***
Sa dami ng opisyal ng pulisya, karamihan taga-anti drugs, na sangkot sa operasyon ni Mayo, bakit ’di manlang sila natunugan ni noo’y President Rody Duterte na nagdeklara ng giyera kontra droga? Naging selective nga yata sina Duterte sa kanilang “Tokhang” ni noo’y PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa o naguyo sila ng mga tao nila sa anti-drugs?