Advertisers
BANGKAY na nang matagpuan ng kanilang pamilya ang mag-ama na kapwa tadtad ng tama ng bala sa loob ng isang mahogany plantation sa Barangay Camanci Sur, Numancia, Aklan, Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Police Master Seargant Felizardo Navarra, imbestigador ng Numancia Municipal Police Station, ang mga biktima na sina Narciso Andelecio, 59 anyos; at Jay-ar Andelecio, 29, mga residente ng Brgy. Bubog sa naturang bayan.
Sa report, 7:00 ng umaga ng Miyerkules nang umalis ang mag-ama sa kanilang bahay upang manguha ng kahoy na kanilang ibinibenta, subali’t hindi nakauwi ang mga ito upang mananghalian.
Kinagabihan, hinanap na ito ng kanilang pamilya sa lugar nang hindi parin nakauwi.
Natagpuan ang mag-ama na magkatabi at nakadapa na kapwa naninigas na at pinagpipiyestahan na ng mga insekto sa paniwalang tanghali pa ginawa ang krimen.
Ayon sa ilang residente,nakarinig sila ng mga putok subali’t binalewala nila ang mga ito sa paniwalang paputok.
Sinasabing lumipat ng bahay ang mag-anak upang makaiwas sa “ubusan ng lahi” sa dating tirahan sa bayan ng Libacao, Aklan may sampung taon na ang lumipas.