Advertisers
NASAMSAM ang halos P.9 milyong halaga ng shabu na ibinalot sa wrapper ng condom sa loob ng Negros Oriental Detention and Rehabilitation Center (NODRC) sa Negros Oriental.
Ayon kay Elmer Ebona, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) provincial chief, isang lalaki at babae na sakay ng motorsiklo ang nag-iwan ng maliit na pakete para sa isang Person’s Deprived of Liberty (PDL), na hindi pinangalanan habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Sa ginawang pagsusuri ng jail guard, nadiskubre na iligal na droga ang laman ng pakete.
Tumambad sa harapan ng mga awtoridad ang may kabuuang 13 maliliit na pakete na nakalagay sa loob ng roll-on deodorant at wrapper ng condom na naglalaman ng shabu na may bigat na 13 gramo at aabot sa halagang P88,400.00.
Sinabi ni Ebona na may posibilidad na may bentahan ng iligal na droga sa loob ng piitan at wala silang hurisdiksyon para panghimasukan ang loob ng piitan, maaari lamang silang tumulong sa pag-iimbentaryo at pagtapon nito dahil nakasalalay parin sa mga awtoridad sa provincial jail ang imbestigasyon.