Advertisers
NANGUNA si Jayson Tatum sa pagtala ng Boston Celtics ng 2-0 sa serye laban sa Atlanta Hawks sa NBA playoffs nitong Miyerkoles (Manila time), habang si Darius Garland ay nagpasok ng 32puntos para sa pagtabla ng Cleveland sa serye nila ng New York Knicks.
Nagtapos si Tatum ng 29 points sa 2nd seed na Celtics na nagsimulang mahina para dominahin ang 7th seed na Hawks para sa 119-106 victory sa TD Garden ng Boston.
“Playoffs are all about adjustments, trying to move on from game-to-game, seeing what you can do better — and I think we played better,” sabi ni Tatum pagkatapos ng panalo.
“We want to be peaking at this time of year. Everybody’s healthy, playing the right way, playing really well — but we’ve got another level we can go to hopefully.”
Bumira ang Atlanta ng 22-11 lead sa first quarter bago gumana ang opensa ng Boston para agawin ng Celtics ang 28-25 lead tungo sa second quarter.
Nang makuha ang bentahe, hindi na lumingon ang Celtics, ipinoste ng 61-49 half-time lead at inunat pa ito sa 20 points sa kalagitnaan tungo sa third quarter nang gibain ng Boston ang depensa ng Atlanta.
Nagtangka pang bumangon ng Atlanta, dumikit ng hanggang walong puntos sa Celtics sa 4th quarter. Pero ang Boston ay hindi nabahala sa pagliit ng kanilang lamang, muling umatake para siguruhin ang 2-0 bentahe tungo sa Game 3 sa Atlanta sa Biyernes.
Si Tatum ay gumawa ng kabuuang 29 puntos kabilang ang limang 3-pointers, habang si Derrick White ay nag-ambag ng offensive support na 26 points at si Jaylen Brown ay nagdagdag ng 18 points.
Pinamunuan naman ni Dejounte Murray ang Atlanta sa kanyang 29 points habang si Trae Young ay nagtapos ng 24.
“They won, we lost — we’ve just got to be better,” sabi ng Atlanta playmaker na Young pagkatapos matalo.
Sa Eastern Conference playoffs, bumawi ang Cleveland Cavaliers sa kanilang best-of-seven series ng Knicks paar sa 107-90 panalo.
Natalo ng 101-97 sa kanilang laro nung Sabad, bumangon ang Cavaliers, ipinakita ang kanilang husay para maistala ng panalo.
Nagbukas ang Cleveland ng 25-22 first quarter lead at hindi na lumingon pa, iniwanan ang Cleveland ng 34-17 sa second quarter.
Nabigo ang New York na makadikit pa sa 15 puntos na lamang ng Cavs tungo sa second half, nang lumamang ang Cleveland ng 29 puntos sa kalagitnaan tungo sa fourth quarter.
Ang Cleveland point guard na si Garland ay nagpasok ng 32 points — 26 ay mula sa 1st half scoring.
Si Caris LeVert ay nagdagdag ng 24 mula sa bench, habang si Donovan Mitchell ay nag-amot ng 17 points at 13 assists.
Nanguna sa Knicks Julius Randle na mayroong 22 points habang si Jalen Brunson ay 20.
Ang Game 3 ng serye ay gaganapin sa Madison Square Garden sa New York sa Biyernes.