Advertisers

Advertisers

PINAS MAG-AANGKAT NG BIGAS, BAKIT?

0 294

Advertisers

Inirekomenda ng National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng mahigit 330,000 metric tons (MT) ng bigas para mapunan ang kakulangan sa buffer stock ng bansa para sa relief operations ng iba’t ibang ahensiya sakaling magkaroon ng mga kalamidad ngayong taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang panukalang buffer stock ng bigas ay katumbas ng hanggang siyam na araw ng national consumption mula Hulyo ng kasalukuyang taon onwards at matitiyak na mayroong sapat na volume ng bigas para sa calamity at relief requirements mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Subalit ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dapat na bilhin ng NFA ang kanilang buffer stock mula sa mga lokal na magsasaka.



Sa ilalim ng Republic Act No. 11203 o ang Rice Tarriffication Law, tinanggal ang regulatory at import licensing issuance functions ng NFA at binawasan ang mandato nio para sa emergency buffer stocking ng bigas na dapat ay kukunin lamang mula sa mga lokal na magsasaka at papayagan ang pribadong sektor na malayang mag-angkat ng bigas subalit subject pa rin sa taripa.

Subalit sa ilalim ng panukalang rice importation strategy ng NFA, inirekomenda ng ahensiya na isagawa ito sa pamamagitan ng government to government transactions, ito man ay sa pamamagitan ng Office of the President o ang designated agency nito.

Matatandaan na una nang sinabi ng Pangulo na siyang kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture na nasa maayos na kalagayan pa rin ang suplay ng bigas sa bansa subalit kasalukuyang mababa ang buffer stock ng NFA at kailangang ma-replenish para maabot ang nasa siyam na araw na halaga ng buffer stock.

Mukhang complicating ang rekomendasyong ito ng NFA sa pahayag ni PBBM at ng Department of Agriculture na noong una pa man ay nagsabing may prayoridad nito ang palakasin ang agrikultura at ibuhos ang logistics ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka.

Ang karagdagang imported rice na ito ay maaring tuluyang pumatay sa ikinabubuhay ng Pilipino magsasaka.



Bakit tila nakatuon sa importasyon ang hakbanging pinaplano samantalang ang campaign promise ni PBBM ay palakasin ang industriya ng pagsasaka at pababain ang presyo ng bawat kilo ng bigas sa P20?

Mukhang may kumukumpas na naman sa likod ng Malacanang at ang pag-angkat ng bigas ang inirerekomenda.

Mukhang nakakabahala ito dahil “importation” ang pinag-uusapan.

Sariwa pa sa ating kaisipan ang kontrobersiya sa sugar at sibuyas fiasco at eto na naman tayo at nagpaplanong mag-angkat ulit.

Asan na ang pangakong “sustainability” ng administrasyong Marcos patungkol sa pagyayaman sa ating agrikultura.

Noong panahon ni late President Ferndinand Marcos Sr., ama ni PBBM, ipinagmamalaki nito sa buong mundo na ang Pilipinas ay nag-aangkat ng libu-libong tonelada ng bigas sa ibang bansa.

Tila kabaligtaran ito nang nangyayari sa ngayon.

Nakakabahala at nakakaduda dahil nga sa isyu ng smuggling na kinakasangkutan umano ng kapatid ni First Lady Liza Marcos na si Martin Araneta at ng business partner nitong Tsekwa na si Michael Ma.

Mukhang may alimuum na naman tayong naaamoy sa istoryang ito.

NFA rice pa lamang ito dear readers, di pa napag-uusapan ang daang libong metriko toneladang commercial rice na nagkalat ngayon sa merkado na umaabot hanggang P70 ang kada kilo.

Hindi po ba kayo nagtataka na sa halip na bumababa ang kada kilo sa presyo ng bigas ay tila kabaligtaran ang nangyayari?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com