Advertisers
Tag-init na talaga sa bansa, sadyang hindi ito mapigilan at inaasahan na sa panahon ito, marami rin uso sakit dulot nga ng sobrang init kung kaya may mga babala at paalala ang Department of Health (DOH) upang hindi tayo magkasakit at higit sa lahat ay makaiwas.
Hindi naman lingid sa atin kaalaman na karamihan sa piitan sa bansa na nasa ilalim ng pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay lumiit ang sukat dahil sa dami na ng mga nakakulong dito – partikular na sa Metro Manila. Inaasahan na sa ganitong situwasyon (sa panahon ngayon) ay posible ang paglitaw ng mga summer-related na sakit sa mga pasilidad.
Sa datos nga ng BJMP ang nangungunang sakit ay hypertension o mas kilala natin sa tawag na “high blood” at mga iba’t ibang sakit sa balat.
Pero huwag mag-alala, yes kayong mga nakakulong o peoples deprived of liberty (PDL) dahil ang lahat ay pinaghandaan na ni BJMP Acting Chief, JChief Supt Ruel Rivera upang maiwasan ang posibleng pag-atake ng mga nasabing sakit sa mga piitan. Hindi man maiwasan ay handang harapn ito ng BJMP sa pamamagitan ng paggamot sa mga magkakasakit.
“Nag-procure na ng medicines ang BJMP in preparation for summer-related disease kasi ini-expect ng BJMP na merong surge ng mga skin disease,” pahayan ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera sa televised public briefing.
Dagdag pa niya, sumasailalim din sa pagsasanay ang mga kawani ng BJMP sa pagtugon sa mga sakit na ito.
Sa ulat kay Rivera, sa kanilang datos mula Marso hanggang Mayo 2022, aniya na karamihan sa mga sakit na naitala sa mga PDL ay hypertension – 8,624; pigsa – 5,653; pantal sa init – 3,596; gastritis – 2,357, at fungal infection – 1,901.
Bagamat sa ngayon, ayon kay Bustinera ay nasa mabuting kalagayan ang mga person deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng kustodiya ng BJMP.
Samantala, ang Quezon City Jail Male Dorm ay handang handa na sa panahon ng tag-init. Ito ang paniniguro naman ni QCJMD Warden JSupt Michele Bonto. Anang opisyal, ang kanyang pasilidad ay may sapat na supply ng malinis at malakas na tubig.
Iyon lang ba? Heto pa…ipinaayos din ni Bonto ang linya ng kuryente (pinagpapalitan ang mga electricl wires) upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog mula sa mga depektibong linya, at paglalagay ng mga exhaust fan, air coolers at ventilation fans sa ibat -ibang dormitoryo gayundin sa infirmary upang matiyak ang sapat na bentilasyon ng mga pasyente dito.
E paano naman sa aspetong medikal Madame Warden?
Ang sagot ni Warden ay buong sipag na isinasagawa ng mga QCJMD Nurses ang pagsasagawa ng health teachings sa personnel at PDL kung saan ibinabahagi ang ibat-ibang kaalaman ukol sa summer-related diseases, pagkakabit ng tarpaulin patungkol sa ibang-ibang summer-related diseases sa loob at labas ng pasilidad at nagsagawa ng pagtuturo kung paano mapapanatili ang kalinisan at personal hygiene upang makaiwas sa sakit.
Aba, talaga ngang maiiwasan ang mga nasabing sakit sa pasilidad at kung hindi man, posibleng magiging mababa lang ang bilang ng magkakasakit dahil sa mga ginawang paghahanda ng grupo ni Bonto.
Sinabi pa ni Bonto na patuloy din ang regular na dayalogo sa mga chairman at coordinators ng bawat dormitoryo sa QCJMD para sa bukas na pakikipagtalastasan sa anumang usapin lalo na pagdating sa kalinga at kalusugan para sa mga Pdl .
Heto ang maganda, sa mga hakbangin ito ng QCJMD ay kaisa ang BJMP-NCR sa pamumuno ni Regional Director JCSUPT EFREN A NEMEÑO, katuwang ang mga roving doctors ng rehiyon. Kanilangg pinangangalagaan ang tinatayang 173 PDL ng QCJMD na may hypertension sa pamamagitan ng pagbibigay ng medisina mula sa rehiyon.
Sinisikap din ni Warden Supt. Bonto na mabigyan ng sapat at kumpletong gamot ang bawat PDL lalo na ang mga maintenance medicines para sa diabetes, kolesterol at hypertension.
At sa mga katugunan ito para sa kapakanan ng PDLs, lubos na pagpapasalamat ang ipinararating ni Bonto sampu ng bumubo ng QCJMD kay QC Mayor Joy Belmonte at sa City Health Department sa Ibinubuhos nilang suporta sa mga PDL tulad ng mga medisina at mga bakuna na patuloy na ipinagkakaloob sa mga residente ng QCJMD. Laking pasalamat din ni Warden sa mga NGOs at Religious Groups para sa kanilang mga donasyong medisina atbp.