Advertisers

Advertisers

SINO BA ANG NAUNA?

0 126

Advertisers

PINAALALAHANAN tayo nitong si Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Huang Xilian na dapat daw tayong dumistansiya sa kasarinlan o soberenya ng Taiwan at sa halip ay itigil na ang ‘Balikatan Exercise’ ng ating militar at mga sundalong Amerikano sa ilalim ng Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA).

Marami ang nagduda sa pahayag nitong si Huang. Pero teka, sino ba ang nauna? Hindi ba China ang tila lumalabag sa mga usapan at kasunduan? Dekada 90 pa nang magsimula silang gumawa ng mga artificial island, hindi sa kanilang karagatan ha, kung di sa West Philippine Sea na teritoryo natin.

Pito na ang mga artificial island na ito, na noong una, sabi ng mga ”Tsengwa’ ay pahingahan lamang ng kanilang mga mangingisda. Yun ngang sa Mischief Reef na bahagi ng karagatan na nasasakupan talaga natin ay tila base-militar na nila ang porma. Para kanino ito? Ano ang kanilang balak at nagtayo sila ng mga ganitong pasilidad?



Noong nakaraang administrasyon tila tinuturing pa nila ang Pinas na probinsiya. Hindi na uy! Dahil ang mga Filipino ay walang paguugaling mapagsamantala. Sabi nga ng Pangulong Bong Bong Marcos ang mga Pinoy ay kaibigan ng lahat.

Kailan man hindi tayo nagpahayag ng mga ‘anti-China’ move. Sinisikap pa rin natin daanin sa magandang usapan ang mga posibleng maging problema sa mga ikinakikilos ng ating mga kapit-bahay na mga bansa lalo na dito sa rehiyon ng Asia.

Sabi pan nitong si Huang ang EDCA daw ay baka makaka-apekto sa kalagayan ng mahigit 150,000 nating mga OFW sa Taiwan. Bakit? May balak din ba ang mga Tsengwa na galawin sila, kung sakaling ituloy nila na sakupin muli ang Taiwan, na kaya nga humiwalay sa kanila ay dahil sa kanilang masamang pag-uugali.

Pansinin niyo, meron naman pihado kayong mga kaibigan dito sa atin, na mga Filipino-Chinese. Hindi ba magaan ang pakikitungo natin sa kanila dahil sila ay ganuon din sa atin? Bakit ko ipinupunto ito? Dahil taglay na ng mga Filipino-Chinese na mga ito, ang ugaling Filipino -ang maging mahusay sa pakikisama.

Tingnan niyo ang mga Tsengwa na talagang galing doon, mga walang modo. Walang mga pasubali, gayong iligal pa ang pagkakapasok dito sa bansa natin.Iyang mga napaghuhuling mga empleyado ng POGO di ba puro gago? Ang iba ay talagang kriminal pa at sangkot sa mga iligal na transaksiyon.



Kaya hindi dapat tayo ang paaalahanan nitong si Ambassador Xilian, kung di ang kanyang mga kapwa Chinese.