Advertisers

Advertisers

BANTAG, TEVES PUGANTE SA BATAS

0 272

Advertisers

HINDI sukat akalain ang biglang pagbagsak sa poder ni Gerald Bantag at Arnolfo Teves. Walang nag-akala na kung ano ang tayog ng lipad ng dalawa ay siyang biglang kalabog noong bumagsak. Ngayon, parehong pugante sa batas ang dalawa. Walang mukha at tapang na humarap sa katarungan. Parehong duwag silang dalawa sa galaw ng batas.

Nagtatago sa batas si Bantag at Teves. Hindi malaman kung nasaan si Bantag at ang kanyang ayudante na si Romeo Zulueta. May mga nagsasabing nasa Davao City ang dalawa sa ilalim ng pangangalaga ni Rodrigo Duterte. Nasa ibang bansa si Teves at ayaw umuwi sa malaking takot na dakpin siya ng mga alagad ng batas. Ang nakakatawa ay si Teves pa ang nagtatakda ng mga kundisyon upang siya ay umuwi at harapin ang pananagutan niya sa batas.

Matapang ang dalawa sa mga taong mahihina at walang poder na lumaban sa kanila. Ngayon, sila ang mga nahaharap sa mga asunto, pawang bahag ang buntot at ayaw humarap. Tingnan natin ang kanilang galing magtago sa kung saan. Tingnan natin ang tikas at gilas ng mga alagad sa batas na itinakdang tuparin ang utos na sila ay dakpin.



Huwag maniwala kay Teves sa kanyang pinagsasabi. Gawa-gawa niya ang dahilan na may mga mataas na opisyal na gusto siyang patayin. Lumpong pato na siya sa dami ng bintang sa kanya. Nagpapanggap lang si Teves na may silbi pa siya. Isa siyang pugante sa batas at katarungan. Pinakamaganda na harapin niya ang mga bintang sa kanya.
*
MARAPAT na tigilan ng mass media ang pag-uulat na may sigalot sa South China Sea. Walang sigalot sa karagatan ng naghihiwalay sa Tsina sa mga karatig bansa. Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Arbitration Commission ng United Nationas Conference on the Laws of the Seas (UNCLOS) na hindi pag-aari ng Tsina ang halos kabuuan ng South China Sea na kanilang kinakamkam. Kathang isip ng Tsina ang teyoryang Nine Dash Line na batayan ng mga Intsik upang angkinin ang South China Sea.

Dahil nalutas ng arbitral decision ng UNCLOS ang isyu, walang batayan upang sabihin na may sigalot sa South China Sea. Ang may suliranin ay ang Tsina dahil kinakamkam nila ang hindi kanila batay sa maling doktrina sa batas at baluktot na kasaysayan. Ito ang paninindigan ng mga malayang bansa na naglalayag sa South China dala ang mga kalakal mula at para sa kani-kanilang ekonomiya. Walang nabola ang Tsina sa maling doktrina.

***

MAAARING napilay ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon ang dalawang pinakamataas na pinuno ng CPP. Ngunit hindi nangangahulugan na tuluyang nang nalumpo ang organisasyon. May mga probisyon sa saligang batas ng CPP na may mga papalit agad kung sakaling mapatay, mahuli, o magkasakit ang sinumang pinuno ng organisasyon.

Hindi natin gagap kung hanggang saan napilay ang CPP. Ngunit nandiyan pa sila at patuloy na igigiit ang kanilang adbokasya. Naniniwala kami na pinakamaganda para sa gobyerno ang muling makipag-usap sa CPP tungo sa isang kasunduang pangkapayapaan. Pinakamaganda sa CPP na dumulog sa hapag ng pakikipag-usap upang mahawi ang gusot sa kani-kanilang mga paniniwala tungo sa ikalulutas ng problema.



***

MAY post ang aming kaibigan na si Roly Eclevia tungkol sa isyu ng nawawalang shabu kaugnay sa nahuling P6.7 bilyon na droga. Pakinggan:

Gen. Rodolfo Azurin denies there is a coverup in the 990 kilograms of shabu found in a building owned by a police master sergeant.

He maintains that his two subordinate generals and other high-ranking officers are innocent, but he makes no attempt to refute the conclusion that can be reasonably drawn from the CCTV footage.

Instead of directly addressing the issue, he talks in platitudes. His loyalty to the PNP, to the country, and to God is not exculpatory evidence. His Winston Churchill quote is irrelevant.

The press conference he called to explain himself is a waste of time.

* **

MAY isinulat si Rolly Eclevia tungkol sa pangangailangan ng bansa sa mga alagad ng agham at hindi abogado. Pakibasa:

Country needs
more scientists, not lawyers

The media are again singing the praises of bar passers, their greatest accolade reserved for the top ten.

What is in the profession that makes young men and women want to embrace it? In our society, lawyers are held in awe, even feared viscerally, Woe to those who cross them, they will twist the law to get them arrested on the flimsiest or, worse, manufactured evidence.
Lawyers walk all over their fellow citizens. A few years back, I posted an article about them. An excerpt:

“In industrialized countries, the top high school graduates go to college to study physical sciences [astronomy, physics, chemistry], biological sciences [molecular and cell biology, ecology and evolutionary biology, microbiology and immunology], aeronautics, naval architecture, engineering, medicine, and, in these day and age, artificial intelligence.

“Not in the Philippines. The country loses the best and the brightest to law schools every year, thus depriving the country of the services of those who, owing to their exceptional gift, could guide and propel it to the heights of development and prosperity as scientists.

“It is doubly tragic that the law profession also attracts the mediocre and, if you look around, the morally and intellectually bankrupt.

“A lot of lawyers talk and act as if they invented the law. The fact is that lawyers, most of whom look down upon the rest of the population, have come to the scene much later, and their presence does not always create a salutary effect on the rule of law.

“The Greeks and the Romans of antiquity, who established the legal tradition and invented democracy, were not lawyers—strictly speaking—but philosophers, theologians, statesmen, even men of letters.

“No lawyer has ever invented or discovered anything of value to mankind.”

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Sa Negros Oriental lang ba? Terror comes in many forms, di lang killings. Many political dynasties abuse their power and influence. Check the courts, you’ll see how many of these clans have land grabbing cases against them. If Abalos is serious, he will look into this.” – Joel Cochico, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@yahoo.com