Advertisers

Advertisers

DENR, hindi pa masabi kung magkano ang pinsala sa ecosystem ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress

0 102

Advertisers

Hindi pa masabi sa ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung magkanong halaga na ang pinsala sa ecosystem na idinulot ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Sa isang panayam, sinabi DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na para masabi nila ito, dapat munang makita mismo kung gaano kalawak na ang inabot nito sa karagatan.

Sa ngayon ayon sa kalihim ay nakikita nilang napakalawak na ektarya na ng dagat ang inabot ng tagas ng langis.



Pero hindi pa nila nagagawa ang pagtantiya dahil hindi pa pinapayagan ang pagbaba sa tubig ngunit inaasahan aniya nilang magagawa na nila ito sa lalong madaling panahon.

***

Samantala kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umaabot na sa 9,589 meters na mangrove areas sa dalawang bayan sa Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill.

Kaugnay pa rin ito ng paglubog ng MT Princess Empress.

Ito ay mula sa 164,481.55 square meters ng 16 mangrove areas na binabantayan sa anim na barangay sa Pola at isa sa Naujan, Oriental Mindoro.



Ayon sa PCG, ang pinakamalaking apektadong mangrove area ay sa Barangay Batuhan sa Pola na may tagpi-tagping mantsa ng langis at may lawak na 8,889 square meters.

Tiniyak naman ng PCG na ang mga mantsa ng langis ay walang banta sa kapaligiran at maging sa mga mangrove.

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.