Advertisers
Ipinakita ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong ang kagalingan nito sa paghawak ng kanyang posisyon sa nakalipas na Semana Santa.
Mula nang magkaroon ng pandemya, ngayon lamang ulit nagluwag ang turismo kaya parang nakawala sa kural ang mga tao at lahat ay sabik na bumiyahe.
Batay sa mga pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jimmy Bautista, inaasahan nilang papalo sa 2 million ang mga pasaherong aalis at darating sa mga pangunahing terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng Mahal na Araw.
Sa kabila niyan, naging maayos at walang problema ang naging daloy ng mga pasahero sa mga nasabing kritikal na araw at ‘yan ay dahil “hands on” talaga si GM Chiong, na tumutok sa sitwasyon kasama ang kanyang kasing-sipag na senior assistant general manager Bryan Co.
Bukod pa riyan, higit pa sa doble ang bilang ng mga pasaherong naitala sa unang quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa parehong panahon noong 2022.
Ani Chiong, ang NAIA ay nakapag-record ng kabuuang 10,855,332 passengers sa unang quarter ng 2023. Ito ay nangangahulugan ng 158% na increase kumpara sa 4,200,575 passengers na bumiyahe sa nasabing terminals sa unang quarter ng 2022 at 6% na mas mababa sa bilang na 11,587,919 biyahero noong parehong panahon ng 2019 bago pa ma magka-pandemya.
“Flight movements during the first quarter of 2023 totaled 67,781, or a 77% increase over the first quarter flight movement of 38,269 in 2022, which is 4% more than the 65,161 flights in the first three months of 2019,” ani GM Chiong.
Pinakamalaki ang naitalang buwanang bilang ng pasahero noong January 2023 na pumalo sa 3,766,546 at 23,399 flights naman sa buwan ng Marso.
“With the reopening of borders in countries such as Hong Kong and China, as well as the easing of travel restrictions, many travelers have regained confidence to fly in and out of the Philippines for both leisure and business purposes,” dagdag pa ni GM Chiong.
“A total of 6,164,985 passengers traveled on 42,331 flights, surpassing the domestic flight and passenger movement set in the first quarter of 2019, when 5,451,655 passengers traveled on 36,206 flights,” saad ng records ng NAIA.
Ito, ayon kay GM Chiong, ay dahil sa pagbubukas ng domestic borders nang mas maaga kesa sa international borders, kung saan ang mga airlines ay nagde- deploy ng maraming flights sa ngayon upang mapagsilbihan ang local destinations.
Positibo si GM Chiong na nakababangon na ang turismo ng bansa at inaasahan pa umano na higit pang tataas ang bilang ng mga nagbibiyahe na sa mga darating na buwan at taon.
Napakalaking hamon para sa grupo ni GM Chiong na sila ang nariyan sa panahong bumabalik na sa pre-pandemic volume ang mga manlalakbay pero batay sa kanilang naging performance nuong Semana Santa, kayang-kaya nilang patakbuhin ng Maganda ang NAIA Terminals.
Kaya naman nais ko silang papurihan at batiin para sa maganda nilang trabaho. Hindi talaga nagkamali si Sec. Bautista sa pagpili sa kanila. Kudos!!
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.