Advertisers

Advertisers

VICE LORDS, PINASUSUKA NG MGA “KAPUSTAHAN” NG MILYONES NA “PABAON” KAY AZURIN!

0 1,004

Advertisers

HINDI na katanggap-tanggap ang nangyayari ngayong kabalbalan sa Philippine National Police (PNP) dahil sa harap-harapan at lantaran na korapsyon, pero tila walang pakialam ang mamamaalam na sa pwestong pinuno nito na si PNP Dir. Gen. Rodolfo Azurin Jr. maging sina Local Government Secretary Benhur Abalos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hanggang sa huling araw bilang PNP Chief ay hindi na yata makakabangon pa sa kinasasadlakang matitinding kontrobersya ang pamunuan ng kapulisan sa ilalim ni Azurin Jr., pagkat imbes na harapin ang mga kriminal ay ang paghahanap ng maraming korap na opisyales ng kapulisan ng pagkakakitaan tulad ng pagprotekta sa mga iligal sa buong bansa tulad ng droga at sugalan partikular na sa mga lugar ng Region 4A, Rehiyon 1, 2, 3 na bukod sa talamak ang bentahan ng shabu ay laganap din ang operasyon ng jueteng, pergalan (perya at sugalan), sakla, paihi o buriki, illegal logging, illegal quarry, bawal na pagmimina at kung anu-ano pang kailigalan.

Ang hepe ng PNP R4A ay si BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., R1 si BGen. Percival Rombaua, R2 ay si Bgen. John Chua at R3 ay si BGen. Jun Hidalgo. Maliban kay Hidalgo na tubong Nueva Ecija na may lahing Ilokano, sina Nartatez Jr., Rombaua at Chua ay mga purong Ilocano tulad ni PNP Chief Azurin Jr. at Pangulong Marcos.



Parang iniaadyang ang lahat na purong Ilokanong heneral na ito ay nalagay sa mga “juicy positions” kung saan ang droga at pasugalan sa rehiyong kanilang nasasaklawan ay sandamakmak, pero kung talagang malikot lang sana ang isipan ni Sec. Abalos ay tatatak sa utak ng butihing DILG Secretary na parang sinasadya ng mga masusuwerteng opisyales na ito na hindi aksyunan ang mga iligal na mga pasugalan sa mga nasabing mga rehiyon sa ngalan ng hindi lamang milyones kundi bilyones na dahilan?

Kung ginagawa lamang ng mga naturang PNP official ang kanilang trabaho ng naaayon sa umiiral na batas, tiyak na malilipol ang operasyon ng droga at sugalan na nag-ooperate sa kanilang mga hurisdisksyon. Wala sanang shabu at kriminalidad, pero kabaligtaran ang nangyayari kaya hindi umaangat bagkus ay lalo pang bumabagsak ang rating ng Pambansang Kapulisan sa ilalim ng pamunuan ni Gen. Azurin Jr.

Dahil sa matagal na panahong naging kalakaran ng “kamot sa likod ko, kamot sa likod mo system” at sa nangyayaring unholy alliance sa pagitan ng PNP at vice lords sa ilalim ng principle of Command Responsibility, ay may pananagutan ang mga regional at provincial director kapag hindi nasasawata ang kalakalan ng droga, iligal na sugal at iba pang kailigalan sa kanilang area of responsibility (AOR) pero higit na may pananagutan si PDG Azurin Jr. bilang siyang hepe ng mahigit sa 130,000 PNP officers and members.

Sa kabila naman ng nabunyag na katiwalian na kinasasangkutan ng di kukulangin sa 47 officials and members ng PNP sa ilalim ng pamunuan ni Azurin Jr. na ayon kay Sec. Abalos ay “patong” sa drug trade ay labis na nadidismaya ang mga mamamayan kabilang na ang may 31 milyong botante na naghatid kay PBBM sa kanyang pwesto, kung isa na namang “pure bloodied” Ilokano ang mahihirang nitong mamuno sa naputikan at nangangamoy na Pambansang Kapulisan?

Samantala, tila malabo nang madisiplina pa ni Azurin Jr. ang kanyang mga tauhan sa harap ng tila apoy na kumakalat na balita na ang mga kapustahan (tong kolektor) ng ilang mga regional at provincial commander partikular na sa R4A, R1, R2 at R3 ay 24/7 na ang nag-iikot at nanghihingi ng tong sa mga operator ng droga, sugalan, paihi at iba pang kailigalan para sa huling pagkakataon ay magbigay ng kanilang mga “share na pabaon” sa magreretirong PNP Chief sa April 24.



Tulad ng mga ‘kapustahan”(tong kolektor) na sina Santiago na may mga alias na Tagoy at Sgt. Sevilla sa Cavite; Sgt. Adlawan alias Butch sa Laguna; Sgt. De Guzman alias Digong at Allan sa Batangas; Sgt. Marcial sa Rizal at Timmy ng Quezon at Laguna na bukod sa certified na mga tong collectors ay mga may-ari at operator pa ng mga iligal na pergalan (perya at sugalan) at iba pang vices ay pabalik-balik sa mga drug/gambling den operators sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal at Quezon na karamihan ay mga barangay chairman tulad sa Tanauan City at Padre Garcia sa Batangas. Kilala ding mga drug pushers ang operator ng STL -con jueteng, pergalan at saklaan sa naturang mga probinsya.

Sa halip na Php 6 milyon na buwanang protection money lamang ang hinihingi ng mga naturang kapustahan, ay tinarahan ng mga ito ang may 34 Tanauan City based vice operator ng Php 12 milyon, doble sa regular na buwanang tongpats na kinokolekta ng mga ito dahil sa bilyones na nakatakdang ipabaon daw sa magreretirong PNP Chief?

‘ Kung hindi ito alam ni Azurin Jr., ay kailangang ipadampot na nito ang mga naturang “kapustahan” lalong-lalo na si alias Sgt. Sevilla na kilala din sa mga alias nitong alias Santiago at Tagoy na siyang dahilan kung bakit full blast ang operasyon ng Perya ng Bayan (PnB) con jueteng, saklaan at bentahan ng shabu sa Dasmaòas City at iba pang mga siyudad at bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nagpapakilala din ang nasibak na ex-WPD cop na si alias Sgt. Sevilla aka Tagoy at Santiago bilang close-in security ni Cavite OIC PD P/Col. Christoper Olazo kaya maging operasyon ng pinatatakbo nitong saklaan sa halos lahat na barangay ng bayan ng Magallanes, Naic at Noveleta ay di masupil o maipahuli ni PD Olazo?

‘ Ipinagyayabang pa ni Sgt. Sevilla, Tagoy o Santiago na tagapangalap sila ng milyones na “pabaon” para kay Azurin Jr. at ng mga kasosyo nito sa pag-ooperate ng mga saklaang may shabuhan na sina Hero, Erik, Anacan, alyas Jojie, Minong at kalaguyong si Malou na pawang nagpapakilala namang kabilang sa Governor’s Squad sa Cavite.

Hindi alam kung may nakapagbulong na kaya kay Cavite Gov. Junvic Remulla at PD Olazo tungkol sa panggagamit ng naturang mga iligalista sa kanilang pangalan para di matinag ang kanilang pagpapatakbo ng PnB con droga, EZ 2 bookiies, sakla at iba pang gambling joints sa halos lahat na siyudad at mga bayan sa Cavite. Abangan ang karugtong.

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com / Cp. No. 09664066144.