Advertisers

Advertisers

3 SEKYU NA NAGPANGGAP NA ‘PARAK, NAKALABOSO

0 135

Advertisers

TATLONG security guard ang inaresto ng mga otoridad matapos gumawa ng gulo at magpanggap na mga pulis sa isang bar na matatagpuan sa kahabaan ng A. Venue, Makati Ave, Brgy. Poblacion, Makati City

Batay sa report na natanggap ni District Director PBGen Kirby John Brion Kraft ng Southern POlice District (SPD) , nakilala ang mga suspek na sina Renante Sacil y Benting, 30 taong gulang, Lino Bartolay y Esparago, 26 taong gulang, at Richard Bongcras Jr. y Valles, 35 taong gulang.

Ang mga nagreklamo ay sina Jildo Miramis II y Baluyot, band vocalist, at Erika Alacar y Manto, bar manager.



Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dumating ang mga suspek sa bar bandang 7:00 ng gabi ( April 22) at nag-inuman. Makalipas ang ilang oras ay nilapitan ni Sacil si Miramis at tinanong ang kanilang hinihiling na kanta.

Nang magalang na sumagot ang bokalista na maraming hiniling na kanta ang ibang naunang costumer sa kanila ay nagalit umano ang isa sa suspek at sinabing “Hindi mo ba kami kilala? Pulis kami dito sa Makati” Nang hiningi ni Miramis ang kanilang identification card ay mas naging agresibo ang mga suspek at pinagbantaan ang lahat ng nagtangkang patahimikin sila.

Nagdulot ng kaguluhan sa loob ng bar kaya humingi ng tulong si Alacar sa Poblacion Police Substation kung saan pagdating ng mga rumespondeng pulis ay sinubukan nilang pakalmahin ang mga nagpanggap na ‘parak’ ngunit mas naging agresibo ang mga ito at walang galang kung magsalita sa mga otoridad at sinabing “Wala kaming pakialam sa inyo, Criminologist kami! Hindi Kami sasama sa inyo!”.

Sa gayong tagpo ay inaresto ng mga pulis at dinala sa presinto ang tatlong suspek.

Sila ay mahaharap sa mga reklamo para sa paglabag sa Art. 177 (Usurpation of Authority), Art. 155 (Mga Alarm at Iskandalo), at Art. 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of such Person) ng Revised Penal Code. (JOJO SADIWA)