Advertisers

Advertisers

EKONOMIYA NG BANSA MAPAPAUNLAD NG MEDICAL CANNABIS!

0 3,089

Advertisers

Mithiin ng kasalukuyang administrasyon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa para sa ikaaalwan ng kabuhayan at pamumuhay ng bawat mamamayan.., kaya naman patuloy ang paglikha ng mga programang kabuhayan at ang pagpapatuloy ng BUILD BUILD PROGRAM.

Gayunman.., may “GOLDEN PLANTS” sa ating bansa ang hindi pinagtutuunan para maging katulungan sa pagpapagaling ng iba’t ibang uri ng sakit dahil lamang sa umiiral na batas laban sa illegal drugs na ang naturang halaman ay kabilang sa ginagamit ng mga DRUG ADDICT.

Kung pagtutuunan lamang sa magandang benepisyong malilikha para sa larangan ng medisina ay napapanahon nang isulong upang mapakinabangan ang medisinang taglay ng GOLDEN PLANTS o ang MARIJUANA PLANTS na kusang tumutubo sa mga malalamig na lugar tulad sa mga kabundukan.



Sabi nga ni BAUERTEK CORP. SCIENTIST/INVENTOR RICHARD NIXON GOMEZ ay multi-bilyong piso ang maiaambag ng MARIJUANA o CANNABIS MEDICINE sa kaban ng bayan bukod pa sa napakahalagang benepisyo nito para mapagaling ang iba’t ibang uri ng mga karamdaman.., na murang halaga na lamang magagastos ng mga pasyente.

Aniya.., kung magiging LEGAL na sa ating bansa ang MARIJUANA FOR MEDICAL USE ay lilikha ito ng maraming mapagta-trabahuan sa sektor mga magsasaka sa gabay ng gobyerno at ang BAUERTEK CORP ay kayang makapag-manupaktura ng gamot bilang CANNABIS OIL o CANNABIS CAPSULES.., na possible pang ang CANNABIS MEDICINES natin ang tatangkilikin ng iba’t ibang bansa na magreresulta sa mabilis na pagsulong sa larangan ng pambansang ekonomiya.

Ang BAUERTEK CORP. ay may kakayahang i-extract sa isang halaman at i-process ang components nito para gawing pharmaceutical products bilang panggamot sa depression, ephylepsy at iba pang mga sakit.

“May kakayanan ang Pilipinas na magtanim ng ibat-ibang medical herbs at kung ang marijuana ay tinuturing na medical herb, bakit di natin idevelop ang medical cannabis. Kapag mayroon ng local medical cannabis ay malaki ang maitutulong sa milyon-milyong maysakit sa bansa at job-generation sa mga magsasaka,” pagpupunto ni GOMEZ.

Yun nga lang mga ka-ARYA ., maraming mga DOKTOR at HOSPITAL OWNERS ang unang hahadlang sa isinusulong na LEGALIZATION FOR CANNABIS MEDICINE.., kasi babagsak ang kanilang mga negosyo!



***

MGA DRIVER TITINO SA GABAY NG LTOP!

Bilang ambag sa administrasyon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay naglabas ng DRIVERS MANUAL HANDBOOK ang LIGA NG TRANSPORTASYON AT OPERATORS SA PILIPINAS (LTOP) sa mithiing maging PROFESSIONAL DRIVERS ang mga bumibiyahe sa lahat ng mga lansangan sa ating bansa.

Ang MANUAL HANDBOOK ay may titulong “GABAY SA LIGTAS NA PAGMAMANEHO” ay isinagawa ang launching nito sa Aberdeen court, Quezon City nitong nagdaang Biyernes na dinaluhan ng iba’t ibang mga TRANSPORT ORGANIZATION sa pangunguna ni LTOP NATIONAL PRESIDENT ORLANDO MARQUEZ.

Ang MANUAL na may kabuuang 161 pahina ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng mga nagsisipagmaneho ng mga sasakyan; impormasyon para sa renewal ng driver’s license at pag-intindi sa ROAD SIGNS para maging ligtas ang lahat ng mga bumabagtas sa mga LANSANGAN.

Ang MANUAL ay si NICK VALERIO JR ang may-akda na ito ay sinaliwan pa ng mga napapanahon impormasyon ng LTOP bilang STANDARD GUIDE sa lahat ng mga nagsisipagmaneho sa lansangan.

Sa naging inisyatibo ng LTOP ay nangako naman ang tanggapan ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION na lalaanan ng alokasyon ang mga programa ng LTOP.., na ayon kay MARQUEZ ay napakalaking karangalan umano para sa kanilang organisasyon ang mabigyang pagkilala at mapahalagahan mula sa ahensiya ng gobyerno.., na aniya ay kailangan ang pagtutulungan sa pagitan ng GOVERNMENT OFFICIALS at ng mga NON-GOVERNMENT ORGANIZATION para sa pagpapaunlad sa larangan ng transportasyon!

***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.