Advertisers
NAITALA ni Nikola Jokic ang kanyang ika-pitong career triple-double sa playoffs sa iniskor na 20 points,11 rebounds at 12 assists para sa Denver Nuggets, na kinaldag ang Timberwolves ,120-111, para ilista ang 3-0 lead sa first-round ng NBA playoff series.
Nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 25 points at may 18 markers si Jamal Murray para sa No. 1 Nuggets na maaari nang walisin ang No. 8 Timberwolves sa Game Four papasok sa second round.
Humataw si Anthony Edwards ng 36 points para pangunahan ang Minnesota na nakahugot kay Karl-Anthony Towns ng 27 points habang may 18 markers at 10 boards si Rudy Gobert.
Sa New York, naglista si Jalen Brunson ng 21 points at may 19 makers si RJ Barrett sa 99-79 pagbawi ng Knicks sa Cleveland Cavaliers para makadikit sa 1-2 sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Nag-ambag si Josh Hart ng 13 points para sa New York na nagposte ng 27-point lead sa fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Cleveland.
Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cavaliers sa kanyang 22 points.
Sa Atlanta, nagsalpak si Trae Young ng 32 points para banderahan ang Hawks sa 130-122 pagdagit sa Boston Celtics at ilapit sa 1-2 ang kanilang serye.
Kumonekta si Young ng isang step-back three-pointer kasunod ang floater sa nalalabing 45 segundo para sa pagbangon ng No. 7 Atlanta mula sa 0-2 pagkakaiwan sa kanilang best-of-seven duel ng No. 2 Boston.
Nag-ambag si Dejounte Murray ng 25 markers para sa Hawks tampok ang mahalagang triple sa huling 1:40 minuto ng fourth quarter.
Kumamada si Jayson Tatum ng 29 points para pamunuan ang Celtics.