Advertisers

Advertisers

PAGPUPUGAY SA CHR

0 184

Advertisers

ATIN munang pagpitagan ang sa wakas ay pakikiisa ng Commission on Human Rights (CHR) sa pagkundina sa mga kabulastugan ng New Peoples Army’s (NPA) sa patuloy na paggamit nito ng improvised explosive devices (IED) na lantarang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).

Dangan kasi, itong mga karimarimarim na mga NPA ay muli na namang nagpakita ng kanilang kabulastugan sa pagpapalabas ng mga IED, at ang huli pa naman ay malapit sa isang paaralan na nagdulot ng ibayong takot at pangamba sa mga mag-aaral doon.

Kaya pinangunahan na ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC Secretariat, ang pagpupugay sa CHR nang maghayag ang ahensiya ng pagkadismaya nito sa muling paggamit ng IED ng mga komunistang-teroristang NPA, ang armadong unit ng Communist Party of the Philippines (CPP).



Solido na ang pagkukundina sa CPP-NPA nang susugan ng CHR ang pagkundina ng NTF-ELCAC dahil ang ganitong mga paggamit ng IED ay kalapastangan sa IHL. Sabi nga ni Usec. Torres ang ginawa ng CPP-NPA ay di lamang paglabag sa IHL kung di pagsasawalang bahala na rin sa mga buhay ng kapwa nila mga Filipino, partikular na sa mga mag-aaral.

Ang pahayag naman ng CHR, ay isinawalang bahala ng CPP-NPA na ang mga paaralan ay naka-deklarang mga “peace zones”, na ibig sabihin na dapat ang lahat ng mga paaralan o eskwela ay kailangang hindi nababalutan ng takot at pangangamba.

Pinatutukuyan ng CHR ang huling pagpapasabog ng IED ng mga CPP-NPA sa malapit na public elementary school sa Barangay Locso-on, kung saan dalawang sundalong at isang kabataan ang sugatan.

Hindi nga raw katanggap-tanggap ang ginawang ito ng mga komunistang-terorista ang sabi ng CHR. Ito rin ang panananaw ng United Nations’ Human Rights Council (UN HRC). Dahil sa gitna ng sagupaan sa pagitan ng CPP-NPA at mga tropa ng pamahalaan naglagay ng IED ang CPP-NPA sa paaralang iyon sa may Placer, Masbate nang walang pasubali sa buhay ng mga mag-aaral doon.

“Walang tamang ideyolohiya ang makakapag-bigay ng paliwanag sa gawaing ito, ang balewalain ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga Filipino. Lagi kaming nananawagan na itigil na ang sagupaan o bakbakan, dahil nakakapagdulot lamang ito ng di maganda sa magkabilang panig… Matagal na nating nasasaksihan ang epekto ng paglabag sa karapatang pangtao at nakababahalang dulot nito sa lipunan,” ang pahayag ng CHR.



Yan din naman ang diniinan ni Usec. Torres na sinisiguro ang pamamaraan ng NTF-ELCAC ay alinsunod sa panawagan ng CHR na daanin sa mapayapang pamamaraan ang pagwawakas sa paghahanda-harian ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA upang di malagay sa panganib ang lahat.