Advertisers
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang babae na dumalo ng kasal nang aksidenteng mabaril ng barangay captain sa Buyasan, San Mariano, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Jesusa Bacani, 34 anyos, magsasaka at residente ng naturang barangay; habang ang salarin na si incumbent barangay captain Danilo Caronan, 47 anyos.
Una rito, nagrereklamo umano ang isang Manuel Sales sa naturang kasalan dahil natatabunan ang kanyang request na kanta (Sonata) kaya sinita ito ng punong-barangay na ikinasama umano ng loob ni Sales.
Nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng kapitan at ni Sales at nang pauwi na sana sa kanilang bahay ang kapitan lulan ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang asawa ay nilapitan sila ni Sales na may bitbit na bote ng alak.
Agad namang binunot ng kapitan ang dala nitong Caliber .45 na baril mula sa kanyang sling bag pero agad umanong naitulak ng mga tao roon ang kanyang kamay at naiputok ang baril na aksidenteng tumama sa kaliwang paa ng biktima.
Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang lapitan bitbit ang kanyang ginamit na baril.(Rey Velasco)