Advertisers
Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Isabela nitong Linggo ng hapon, ayon sa Phivolcs.
Base sa monitoring agency, ang lindol ay may lalim na 55 kilometers na tumama bandang alas-5:19 ng hapon, na may epicenter sa 17.55°N, 122.29°E – 018 km N 17° E ng bayan ng Maconacon.
Naiulat ang Intensity 5 sa Maconacon, Isabela; Intensity 4 sa Delfin Albano sa Isabela, Tuguegarao City, Penablanca, at Enrile sa Cagayan; at Intensity 3 sa Luna, Flora, at Santa Marcela sa Apayao, Cabagan, San Pablo, at Santa Maria sa Isabela.
Naitala naman ang Intensity 2 sa Jones, Angadanan, San Isidro, Dinapigue, Cordon, Ramon, San Manuel, San Mateo, at Cauayan sa Isabela, at Piddig at san Nicolas sa Ilocos Norte, at Banayoyo sa Ilocos Sur.
Posibleng magkaroon ng aftershocks, subalit walang inaasahang pinsala, dagdag ng Phivolcs.
Nakapagtala ng hindi bababa sa 20 aftershocks, mula magnitude 1.7 hanggang 3.9.