Advertisers

Advertisers

Magkakilala pala sina Sen. Bato at Teves

0 130

Advertisers

NAGSISINUNGALING pala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nang sabihin niya sa ginagawang imbestigasyon na hindi niya personal na kakilala ang itinuturong “utak” sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Congressman Arnulfo Teves.

Nabuking ito nang kumalat sa social media ang larawan nina Bato at Teves na magkatabi sa upuan sa isang lamesa na kapwa nakangiti at nakasuot lamang ng puting t-shirt, ibig sabihin wala sila sa party o official meeting. Parang kuha sa bahay bakasyunan ang kanilang piktyur.

Todo deny kasi si Bato sa ginagawang imbestigasyon ng kanyang komite na magkakilala sila ni Teves matapos punain ng netizens ang tila pagbibigay niya ng pabor kay Teves.



Binalak pa ni Bato na pagsalitain si Teves mula sa kungsaang bansa ito nagtatago via Zoom sa Senate probe. Pero inalmahan ng biyuda ng gobernador nasi Pamplona Mayor Janice Degamo. Dapat daw ay pisikal na humarap sa pagdinig si Teves.

Si Teves ay nasa Amerika nang paslangin si Degamo.

Nang madakip ang mga pumaslang kay Degamo at itinuro si Teves bilang mastermind ng asasinasyon, tumalilis ng Amerika ang mambabatas. May nagsabing ito’y nasa Cambodia sa lugar ng kaibigan niya umanong “drug lord”. Sabi naman ni Senador Joel Villanueva, nakita si Teves sa South Korea.

Si Teves ay sinampahan ng Department of Justice ng mga reklamong multiple murder at multiple frustrated murder sa pagpaslang kay Degamo at sa walong indibidwal sa compound ng gobernador sa Pamplona noong Marso 4 ng taon.

Tinawag pa ni Justice Secretary Boying Remulla si Teves na “terorista” dahil sa mga akusasyon laban dito na nagpapatay ng mahigit 75 katao sa Negros Oriental at nakuhanan ng maraming matataas na kalibre ng baril at pampasabog sa kanyang mga bahay sa naturang probinsiya.



Balikan natin ang larawan nina Bato at Teves na nagkalat sa social media na maliwanag namang hindi edited, nagpapatunay ito na matagal na silang personal na magkakilala at hindi totoo na hindi nya kilala ang astig na kinatawan ng 3rd district ng NegOr. Period!

***

Binabati natin ang bagong talaga na PNP Chief, Major General Benjamin Acorda Jr, kapalit ng nagretirong si General Rodolfo Azurin, Jr.

Si Acorda, ay produkto ng PMA Class 1991, at tubong Ilocos Norte, kababayan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Bago maitalaga sa pinakamataas na puwesto sa PNP nitong Lunes, si Acorda ay direktor ng PNP Intelligence.

Congratulations, General!

Dahil bago ang PNP Chief…siguradong magkakaroon ng reshuffle sa hanay ng mga opisyal. Ang mga mistah ni Acorda ay tiyak mailalagay sa makakatas na puwesto ika nga. At yung mga hindi ka-close, malamang sa “floating status” magbibilang ng langaw. Hehehe… Weder weder lang naman yan. Mismo!

Oh…yung mga kolektong dyan, lobby na! Haha…

***

Mabuti pa itong si Senador Bong Go hindi nagbago sa kanyang sinimulang programa na pagtulong sa mga mahihirap na lugar lalo sa mga sinalanta ng kalamidad.

Oo! Simula nang mahalal si Bong Go noong 2019 ay makikita ang presensiya nito sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad. Yan ang tunay na public servant!

‘Pag hindi nagbago si Bong Go hanggang 2028, malamang na maging kontender ito sa sunod na maging pangulo ng Pilipinas. Peksman!

Mabuhay ka, Senador Go!