Advertisers

Advertisers

PAGHAHANDA VS. EL NIÑO MAS PINAIGTING

0 135

Advertisers

MAS pinaigting pa ng pamahalaan ang paghahanda laban sa El Niño phenomenon.

Sa katunayan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nais ng administrasyon na huwag nang dumepende ang mga consumers sa underground water kundi sa surface water.

Sinabi ni PBBM na gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng dry spell.



“Kasi tubig ang pinag-uusapan, marami talagang elemento na kailangan isama diyan sa usapan na ‘yan. But we are slowly converting our dependence of water supply from underground water to surface water. ‘Yun ang pinaka-basic diyan and then the distribution systems,” ani Marcos sa radio program ni dating DSWD Sec. Erwin Tulfo.

“Yung ating mga…kung pupuntahan mo ‘yung mga distribution system natin sa mga water authority, kung titingnan mo ‘yung mga ano, noong giyera pa nilagay ‘yung ano… noong panahon pa ng giyera eh noong nilagay ‘yung mga tubo-tubo eh,” ayon pa sa Pangulo.

Matatandang nilagdaan ni Marcos ang isang executive order na layong bumuo ng Water Management Office (WMO) na siyang tutugon sa matinding tagtuyot.

Mahalaga aniya na matugunan ang posibleng water crisis sa hinaharap.

“Kasi alam naman natin pag walang tubig, walang buhay. Ganun lang kasimple ‘yan. So… ganun ang approach namin na kailangan na magkaroon ng sapat na supply ng malinis, ligtas na tubig na kahit pag masyadong mahina ang ulan o nagka-El Niño, masyadong mainit ay magkakaroon tayo ng… mayroon pa rin tayong water supply,” sabi ng Pangulo.



Maliban dito, pinalalatag din ng Presidente ang alert at warning systems ng pamahalaan upang maagap at mapaghandaan ang El Niño forecasts at maging ang mga epekto nito.

“Kaya’t, ‘yun isa pa ‘yan, pinapatibay natin ang kakayahan ng DOST (Department of Science and Technology), ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) para ma-warningan naman talaga tayo nang mabuti na may parating na ganito,” dagdag pa ni Marcos. (GILBERT PERDEZ)