Advertisers

Advertisers

4 na biktima ng human trafficking naharang ng BI sa NAIA

0 100

Advertisers

NAHARANG ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na biktima ng human trafficking na papuntang Lebanon para magtrabaho bilang household service workers.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang tatlo sa mga biktima ay cleared nang makaalis nang harangin sila matapos na magtangkang sumakay ng Air Asia patungong Kuala Lumpur nitong April 21.

Sa hiwalay na insidente, isa pang babaeng biktima ang naharang papuntang Bangkok matapos magtangkang umalis pasakay ng Cebu Pacific .



Inulat pa ni Tansingco na ang mga pasahero ay nagpanggap na mga turista at magto-tour sa ibang bansa, pero umamin din na ang kanilang final destination ay Lebanon, kung saan sila ay na-recruit para magtrabaho.

“Sending people abroad without proper documents, let alone to countries with existing deployment bans, raises security threats for our OFWs even more,” sabi ni Tansingco.

Binunyag ng mga biktima sa mga ahente ng BI na sila ay na- recruit ng isang nagngangalang Helen na nakilala nila sa Facebook at nagbigay sa kanila ng travel documents.

Idinagdag pa ng mga biktima na sila umano ay sinabihan kung saang immigration booth sila dapat pumila. Ang opisyal na nagklaro sa mga biktima ay tinanggal na sa kanyang tungkulin at kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon.

“Corruption has no place in our agency. Immediate action against employees who are possibly conniving with these syndicates will serve as a big deterrent to others who might be thinking of following suit,” sabi ni Tansingco.



Ang mga biktima ng human trafficking ay dinala sa Inter-Agency Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga recruiters. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)