Advertisers

Advertisers

‘Soft skills’ trainings ng BI officers, paiigtingin

0 132

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) na magsasagawa sila ng special trainings upang paigtingin ang soft skills ng kanilang immigration officers na nagsasagawa ng kanilang tungkulin sa mga paliparan at daungan.

Ang anunsyo ay sumabay sa ulat kamakailan ng Commission on Human Rights (CHR) na nagpapakita na ang mga bagong graduates sa bansa sa nakukulangan ng “soft skills” at kahandaan sa trabaho.

Ito ayon sa ulat ay dahil na rin sa school-to-work transition ng mga kabataan sa konteksto ng implementasyon ng K-12 at ng online classes dahil sa COVID-19 pandemic.



Ibinahagi ni BI Chief Norman Tansingco na bilang karagdagan sa nakagawiang immigration training na naka-focus sa immigration laws and procedures, sila ay magpapakilala ng bagong values module na layuning magtaguyod ng courtesy at empathy para sa mga kawani ng gobyerno.

Mga bagong kurso sa moral values, leadership, management, at teambuilding ang kasama ngayon sa module ng bagong immigration officers.

“In full support of the Anti-Taray Bill which was filed by Senator Raffy Tulfo, we vow to create an environment that is always worthy of the trust of the Filipinos,” sabi ni Tansingco.

“Through this module, we can inculcate more our core values of patriotism, professionalism, and integrity to our new officers.” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">