Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PATULOY na humahataw sa ratings game ang Abot Kamay Na Pangarap ng GMA na bida sina Jillian Ward bilang Dra. Analyn Santos, Richard Yap bilang RJ Tanyag at Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos.
Nasa naturang serye rin si Eunice Lagusad bilang nurse na si Karen, kaya tinanong namin si Eunice kung ano ang pakiramdam na maging parte ng isang teleserye na bukod sa mataas ang rating ay pumalo na sa mahigit tatlong bilyon ang kabuuang views ng videos sa tatlong social media platforms- YouTube, Facebook, at pati na rin sa TikTok?
“It’s an honor po kasi siyempre marami pong… parang kami ngayon po yung, sumunod sa Maria Clara At Ibarra, na mataas po na show.
“And knowing na panghapon po kami sobrang thankful din po na napasama po ako doon at maganda po yung role na napunta sa akin which is si nurse Karen,” saad ni Eunice.
Bukod sa telebisyon ay kasama si Eunice sa pelikulang Home I Found In You na produced ng Rems Films at sa direksyon at panulat ni Gabby Ramos.
Bukod kay Eunice ay nasa Home I Found In You sina Jhassy Busran as Selene at John Heindrick bilang Red at sina Harvey Almoneda bilang Aldrin, Diego Llorico bilang Mama Rona, Orlando Sol bilang Arnold, at ang award-winning veteran actor na si Soliman Cruz bilang Mario.
Sina Jhassy at Heindrick (o kilala ring JhasDrick loveteam) ay mga bida rin sa ROOMMATE Facebook series, na available for streaming ng libre sa Gabby Ramos official FB page.
Samantala, bilang dumaan din si Eunice sa pagiging newcomer na sumikat bilang si Charming sa Bakekang noong 2006, ano ang maipapayo niya kay Jhassy na maituturing na baguhan pa lamang bilang artista?
“Maipapayo ko po? Siguro kung magpapaka-real talk po ako, dapat makapal ang mukha mo lagi,” at natawa si Eunice.
“Pagdating sa showbiz, hindi ka dapat madaling sumuko.
“Dapat laban ka lang ng laban kasi sa mundo ng showbiz alam naman natin na hindi madali. Marami’t marami kang makakalaban.
“Marami’t marami kang magiging haters so dapat matibay ang loob mo,” pagtatapos pang sinabi ni Eunice.
***
DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann.
“Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!”
“Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken.
At sa pamamagitan ng pelikulang Papa Mascot ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby sa main cast ng naturang pelikula ng WIDE International Films nina Ken, April Martin at Pauline Mae Publico.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Ken…
“And nung unang shooting day po namin dito sa pelikula, sabi ko po sa kanya, ‘Kuya Gabby kinakabahan akong makaeksena ka!’
“Pero you know what, ang dami ko pong natutunan kay Kuya Gabby, kasi nag-uusap po kami ni Kuya Gabby at Ate Liza ng mga technique sa pag-arte.
“Nagkukuwentuhan po kami kung ano ba yung kailangan, kung paano ba yung mga techniques.
“Ang dami po nilang nai-share po sa akin na hindi ko pa po nalalaman, na nakatulong din po sa akin para mabuo ko yung film character ko bilang si Papa Mascot po.
“And I’m just so thankful, Kuya Gabby and Ate Liza, that you shared that to me. That moment nung nasa court po tayo nun, naka-standby po tayo, ang dami ko pong mga learnings nun na nai-apply ko po at nakatulong po sa akin to built the character as Nico, as Papa Mascot.
“Kaya I’m blessed po, thank you.”
Sa direksyon ni Louie Ignacio, panulat ni Ralston Jover at line produced ni Dennis Evangelista, nasa movie rin sina Miles Ocampo, Erin Rose Espiritu, Sue Prado, Tabs Sumulong, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta, JC Parker at Liza Diño.