Advertisers
NABATID namin mula sa GMA insider na totoong may guesting ang versatile Kapuso actor na si Ken Chan sa No.1 soap opera ng network, ang Abot-Kamay Na Pangarap, na napapanood sa GMA Afternoon Prime, 2:30pm, Monday to Saturday. Leading the cast of the soap are Jillian Ward, Carmina Villarroel at Richard Yap.
Sa pagpasok ni Ken, inaasahang gagawa ng ingay ang character niya bilang isang doctor.
Marami ang humuhula kung paano mai-involve si Ken sa pangunahing character na si Jillian, role ang isang matalinong doctor, bilang si Dr. Analyn Santos.
Si Ken, bilang doctor, magtugma kaya sila ni Jillian sa pamamaraan ng paggamot?
A busy year kay Ken ang 2023! Aba, may 2 projects siyang gagawin sa abroad. Isa’y sa Taiwan na balitang isang romantic movie. Pangalawa’y sa Thailand na puede raw gumawa ang actor ng isang series o kaya’y isang pelikula rin.
May kasalukuyang movie si Ken na palabas sa mga sinehan, ang wholesome movie, Papa Mascot.