Advertisers

Advertisers

Nagpahinga lang…Maine babalik pa rin sa Eat Bulaga

0 161

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PINABULAANAN ng chika ever na di true na hindi na babalik sa noontime show na Eat Bulaga si Maine Mendoza.
Sey ng chika ever na may pinaayos lang or nagpa-dental lang daw si Maine.
Di lang nga masabi kung nagpabunot ito ng ipin at kung ano ang inayos sa kanyang teeth.
Pero siniguro naman ng chika ever na babalik ito sa Eat Bulaga.
Timing naman kasi na biglang di na napanood si Maine sa noontime show dahil sa isyung rigodon.
Na-timing din na tila pinaplano nina Arjo Atayde at Maine na this year na ikasal kung walang pagbabago.
Sa panayam kina Arjo at Maine ay tila natutuwa ang TV host na si Korina Sanchez nang ma-interbyu nito ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde.
Parehong masuwerte raw sa pag-ibig ang magkapatid na Arjo at Ria na happy sa bf na si Zanjoe Marudo.
Pero ang siniguro ng chika ever ay tuloy ang pagbabalik ni Maine sa Eat Bulaga.
***
Eat Bulaga In or Out sa GMA
BUKOD sa inilaban ng TVJ si Ryza Mae Dizon para manatili sa programang Eat Bulaga.
May bulong-bulungan ang chika ever na may offer sa dalawang channel sa TVJ if ever mangyari ito.
Sa panayam Kay Tito Sotto, nilinaw nito na kanilang tatlo ng TVJ ang Eat Bulaga.
Kahit nga ang titulo ng programa na EB ay ilalaban ng TVJ.
Kumbaga if ever na di na magkasundo ay dadalhin ng TVJ ang buong programa.
Nagbigay na rin ng suporta ang mga katrabaho ng TVJ sa EB.
At dahil sa sitsit na offer ng 2 channel, napaisip ang chika belle na in pa rin ba sa GMA ang EB at patuloy pa rin.
Well, wala pa naman opisyal na statement sa TVJ kaya for sure nasa GMA pa rin sila.
Wish namin na maayos na ang lahat para happy together ulit ang samahan sa EB.
Well, well, well… ‘Yun na,!