Advertisers

Advertisers

Promo ng “CHANGES” ni Cool Cath Ash sa Star Music, full blast

0 156

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

KALIWA’T kanan ang TV guesting ni Ashley Aunor a.k.a Cool Cath Ash para sa bagong single na “CHANGES” under Star Music.
Aba’y malakas ang dating ng Changes na ang awitin ay tungkol sa pagbabago sa kaibigan man o minamahal. At hindi ito tunog local kundi level up ito na tunog foreign artist ang kumanta. Sobrang ganda rin ng beat ng bagong kanta ni Cool Cath Ash na kabilang sa mga talented artist ng ABS-CBN MUSIC na kinabibilangan nina Belle Mariano, Maymay Entrata, Vivoree at Janine Berdin.
Yes, full blast ang promo ng Changes at kagi-guest lang ni Cool Cath Ash sa iWant ASAP, sa Pie Channel sa show ni Gretchen Fulido at sa “PAK NA PAK PALONG FOLLOW” hosted by Vivoree and Jeremy and company. Also, she guested at MOR’s GOOD TIME TO! By the way, available na ang Changes sa mga music digital platforms like Spotify and ITunes. Mapapanod na rin ang Lyric Video nito sa Youtube Channel ng ABS-CBNStar Music.
***
Former Taytay, Rizal Vice Mayor Carlito “Bonoy” Gonzaga, Namigay Ng Ayuda
MALIBAN sa pamimigay madalas ng Ayuda sa kanilang mga ka-maintenance na viewers nila ng wife na si Mommy Pinty Gonzaga na kasama niya sa BOPIN o Bonoy And Pinty Gonzaga Youtube Channel. Nang mabalitaan ni Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na maraming pamilya na umabot sa 160 kabahayan ang natupok ng sunog sa may Sitio Bato-Bato Barangay Dolores, kasama ng kanyang staff ay agad na namahagi ito ng tulong financial sa mga kababayan sa lugar.
Matagal na panahong nagsilbi bilang Vice Mayor ng Taytay, Rizal si Daddy Bonoy na kahit wala na sa posisyon ay tuloy pa rin ang pagtulong sa mga nasunugan at baha sa Taytay. Mabuhay ka Daddy Bonoy, dapat sa iyo ay manungkulan uli diyan sa Taytay, Rizal. I’m sure sa rami ng naniniwala sa iyo ay maraming boboto sa iyo sa posisyong iyong tatakbuhin.
***
Direk Reyno Oposa May Bagong Titillating Na Pelikula
ONCE a director, always a director. Lalo’t ang klase ni Direk Reyno Oposa ay nag-aral at nagtapos talaga ng Filmmaking sa TORONTO FILM SCHOOL at RCC INSTITUTE OF TECHNOLOGY. Kaya kahit abala sa trabaho at pagpasok sa mundo ng Teatro kung saan si Direk Reyno, ang napiling bumida sa International Stage Play sa Canada na “NAKAKAPASO ANG LAMIG.”
Ginanap kamakailan ang kanilang story conference via Zoom. May bagong movie ang kaibigan naming director/actor/movie producer(Oposa) at ang titulo nito ay “Talsik Ng Gata” na pagbibidahan ng hunk newcomer na half Briton and Pinoy. Naghahanap si Direk Reyno ng makakapareha nito na pure Filipina beauty na willing mag-all the way sa said sexy movie.
Bongga ang talent fee ha, P10K per shooting day. At maayos kausap si Direk Reyno, kaliwaan ang bayad niya sa kanyang mga artista. Yes, another busy year ang 2023 sa naturang mahusay na direktor.