Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA isang panayam, sinabi ni Cesar Montano na game siyang makatrabaho ang ex niyang si Sunshine Cruz.
Gayunpaman, pagbibiro niya, this time, wala nang malisya o love scene.
Nakunan naman namin ng panig si Sunshine tungkol sa naging pahayag ng award-winning actor.
Ayon kay Sunshine, willing din daw siyang maka-work si Cesar whether as a director or as an artist.
“Kung meron naman talagang maganda, who would not want to work with Cesar Montano? Napahusay na artista. But for now, he’s busy. I’m also busy. But given a chance o magkaroon ng pagkakataon in the future, why not?,” ani Sunshine.
Agree naman siya na di na dapat gumawa sila ng love scenes sa pelikula ng ex.
“Di na dapat. Respeto na lang din. 45 na ako. Kung maaari nga, wala na iyong kissing scenes, but when I did this movie with Allen Dizon and in Vivamax, that’s needed lang kasi asawa ko siya so we’re just professional about it,” paliwanag niya.
Masaya rin si Sunshine dahil maganda na ang relasyon nila ng ex.
Sobra rin daw niyang kasundo ang current partner ni Cesar na si Kat na mahal din ng kanyang mga anak.
Sa ngayon, nananatiling loveless si Sunshine after her breakup with former boyfriend Macky Mathay.
Aniya, kumpleto na raw siya at hindi na naghahanap ng love life maliban na lamang kung itadhana ng Diyos na may dumating pa na tamang lalake para sa kanya.
Si Sunshine ay tampok sa pelikulang “Lola Magdalena”, isang dramedy tingkol sa buhay ng mga matatandang pukpok.
Sey ng aktres, isang karangalan sa kanya ang maidirek sa nasabing proyekto ni Joel Lamangan at makatrabaho ang award-winning veteran actresses tulad nina Gloria Diaz, Liza Lorena at Perla Bautista.
Tampok din sa pelikula sina Joonee Gamboa, Pia Moran, Jim Pebanco, Angel Guardian,Angela Cortez, Marcus Madrigal at Carlos San Juan.