Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
KAHIT may status quo, nagsalita si Bullet Jaloslos, finance office ng TAPE, Inc., na producer ng Eat Bulaga, at nagpa-interbyu sa media.
Ngayon, sumagot na rin si Tito Sotto sa nangyayari sa likod ng Eat Bulaga.
Nuong nagpa-meeting ang producer ng E.B., marami silang gustong mangyari, magbabawas ng talent (lalo na ang co-hosts) at ang pagpapa-resign kay Mr. Tony Tuviera.
Binalikan ni Tito Sen na sila ay aktibo na sa telebisyon nila Vic Sotto at Joey de Leon. May Discorama, pinchitter sila sa Student Canteen at sa Iskul Bukol na sikat na TV show. Nuong Hulyo 1979 nagsimula ang EB, dalawang taon din ang sinakripisyon ng Tito, Vic and Joey hanggang iprodyus ng TAPE Inc., ang EB ni Mr. Romy Jaloslos at Mr. Tuviera.
Kaya natanong sa dating senador, sino ang may-ari ng Eat Bulaga?
Deretso ang tugon ni Tito Sen, “kami, katunayan nga may utang pa sila tig-P30M kina Vic and Joey.
Sa kaalaman ng lahat, ang APT studio ay pag-aari ni Mr. Tuviera, kaya’t nangungupahan lang ang TAPE, Inc. at blocktimer ng GMA7.
Maging ang kinita sa political ads nitong nakaraang eleksiyon ay siniwalat na ni Tito Sen. Sino nga bang magsasabing nalulugi ang E.B?
Ngayong tatlong anak ni Mr. Jaloslos ang nagtatrabaho sa TAPE, Inc. e paano kung magdesisyon na ang Tito, Vic and Joey na umalis lalo na may alok sa ibang TV channel. Well, abangan natin ang susunod na kaganapan.
***
MICO AKASHI, PANALO SA VIETNAM;
MARIANNE BEATRIZ BERMUDO, BEAUTY QUEEN ANG ARRIVE
PROUD ang producers ng Red Tiger Multi Media Production, Aqua Ride at Eduard Santos dahil ang dalawa nilang alaga ay nagpakita ng galing sa katatapos na pageant na ginanap sa Vietnam.
First time sumali si MICO AKASHI sa pageant as our Phillipine candidate as Mister Teen Pancontinental International 2023. Si Mico ang Grand Winner, Top 1 sa Q & A, Best in National Costume at highest online voting.
Sobrang pasasalamat niya kay Mom Aqua (Red Tiger Multimedia Prod.), Mom Virgie at Team Asp.
Nuong Crown Star pala si Mico, nakitaan ng galing sa pagsayaw, pag-arte at pagmomodelo.
Samantala, isang karangalan sa ating bansa, na maging isa sa hurado si MARIANNE BEATRIZ BERMUNDO, Grand Winner Miss Teen Culture World International 2023 at Grand Winner as Miss Little Universe 2021.
Fifteen yrs. old si Marianne pero sa mga international competition ay sanay na sa pagrampa at pagsagot ng Q & A. Marami ang nagsasabing beauty queen in the making ang dalaginding ni Mom Virgie Bermundo.
Magkasama pala sina Mico at Marianne sa pelikulang “Saan Ka Punta” na pinagbibidahan nina Bugoy Carino, Gigi Plays, Kisses at kasama ang mga kalook-alike stars.