Advertisers
APAT na ranking police officials ang inirekomendang tanggalin sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Oo! Inirekomenda ng 5-member advisory panel na pinamunuan ng nagretirong PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., ang pagtanggap sa courtesy resignations ng 3rd-level officials, kabilang ang dalawang Brigadier Generals at 2 Kernel.
Ang apat ay kabilang sa 953 3rd-level officers na sumailalim sa masusing pagsusuri ng panel matapos magsumite ang mga ito ng kanilang courtesy resignations, na ipinanawagan noon ni DILG Secretary Benhur Abalos matapos matuklasang maraming opisyal ng pulisya ang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga partikular sa P6.7-billion halaga ng shabu na nasamsam sa isang operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na si Master Seargeant Rodolfo Mayo.
Si Mayo ay tinanggal na sa serbisyo three months ago.
Nilinis naman ng panel ang 917 sa naturang mga opisyal. Habang ang 32 ay inindorso kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na suspendehin ang mga ito.
Hindi muna inilabas ang pangalan ng apat na opisyal habang hindi pa nareresolba ng National Police Commission (Napolcom) ang administrative cases na isasampa laban sa mga ito.
Pero si Pangulong Marcos, na siya ring Commander-in-Chief, ang may final say sa naturang usapin.
Clue: Ang apat ay parehong natalaga sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Sikat ang mga ito nung panahon ni ex-President Rody Duterte kungsaan maraming suspected drug pushers at addicts ang itinumba sa kanilang kotrobersiyal na ‘war on drugs’.
Inindorso ng panel ang pagsasampa ng administrative charges laban sa nabanggit na mga opisyal sa Napolcom dahil sa paglabag sa rules and regulations ng PNP laban sa illegal drugs.
“The panel is of the opinion that there is sufficient basis to recommend the acceptance of their courtesy resignations,” saad sa sulat ni Azurin kay Pangulong Marcos.
Maliban kay Azurin, ang iba pang miyembro ng panel ay sina retured Police General ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ex-Defense Secretary Gilbert Teodoro, retired Police General Isagani Nerez at retired Court of Appeals Associate Justice Melchor Sadang.
Sinabi naman ng kasalukuyang PNP Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., ang pumalit kay Azurin, na isasapubliko nila ang pangalan ng naturang police officials kapag naisampa na ang mga reklamo laban sa mga ito.
Abangan!