Advertisers
NASAMSAM ng anti-narcotics agents ang mga tuyong dahon ng marijuana at shabu sa apat kataong magkakasabwat sa operasyon sa isang drug den sa Barangay Labangal sa General Santos City nitong Martes, May 2, 2023.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ronnie Anuling Agudo, Ronnie Sedellies Torres, Arjhon Tupaz Cantoja at Joevan Galvez Cantoja.
Sa pahayag nitong Myerkules, binanggit ng director ng PDEA 12 na si Aileen Lovitos, isinagawa ang entrapment operation batay sa mga sumbong ng mga kakilala ng apat na alam ang kanilang pagbebenta ng shabu at marijuana sa Barangay Labangal.
Maliban sa shabu at marijuana, nakuhanan din ang mga suspek ng isang .357 revolver at isang .45 caliber pistol.