Advertisers

Advertisers

P2.39B IBUBUHOS SA PAGTATANIM NG PUNO

0 125

Advertisers

INANUNSIYO kahappon ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ang pamahalaan ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program ngayong taon.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, layon nitong makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy.

Sinabi ni Pangandaman na sakop ng programa ang lawak ng kalupaan na nasa higit 13 libong ektarya habang mahigit 7 milyong puno naman ang itatanim at halos 160 libong ektaryang lupa ang aalagaan sa programa.



Paliwanag ng kalihim, target dito na maitaguyod ang sustainable development para mabawasan ang kahirapan, magkaroon ng sapat na pagkain, biodiversity conservation, matatag na kapaligiran, at tugunan ang pabago-bagong klima o climate change.

Dagdag pa ng kalihim, bahagi rin ito ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na paghandaan ang epekto ng climate change, lalo na ang pinangangambahang pagpasok ng El Niño. (GILBERT PERDEZ)