Advertisers
NATALO si Manny Pacquiao sa kasong isinampa laban sa kanya ng dati niyang promoter, Paradigm Sports Management (PSM), sa Amerika. Inatasan siya ng US jury na magbayad ng $5.1 million (nasa P282 million).
Sa ulat ng Los Angeles-based journalist na si Steve Angeles ng ABS-CBN News, nanalo ang PSM sa kanilang lawsuit laban kay Pacquiao kungsaan siyam na jury ang pumabor at tatlo ang komontra sa kaso.
Ang kaso ay nag-ugat mula sa iginigiit ng PSM na si Pacquiao ay nakagawa ng ‘breach of contract’ nang balewalain niya ang kanyang ‘preexisting agreement’ at pumasok sa isang promotional company, TGB Promotions, dahilan para masira ang inaayos ng PSM na laban para sa kanya.
Ang $5.1 million na halaga na pinababayaran kay Pacquiao sa PSM ay kasama ang $1.8 million para sa damages at $3.3 million na advance na ibinigay ng PSM sa boxing legend na dati ring Senador.
Si Pacquiao ay pumasok sa isang kasunduan sa PSM, ang promoter ng sikat na UFC fighter na si Conor McGregor, kungsaan ang unang plano ay ayusin ang lucrative na laban ng dalawa, pero hindi ito natuloy.
Sa halip, ang eight-division world champion na Pacquiao ay pumirma ng laban kay Errol Spence Jr., na pinalitan naman ni Yordenis Ugas dahil nagtamo ng injury si Epence. Natalo si Pacquiao kay Ugas noong 2021, na naging huling laban na niya sa pro-boxing
Sa trial, nabigo ang defense attorney ni Pacquiao na Bruce Cleeland na pasubalian ang commitments ng boxing star sa PSM.
Si Pacquiao ay hindi pa nagkaroon ng pro fight simula nang matalo kay Ugas, sa halip ay lumaban ito sa isang exhibition fight sa Korean video bloggerna si DK Yoo noong December 2022.
Kasalukuyang may inaayos na laban si Pacquio para sa kanyang pagbabalik sa pro boxing.