Advertisers

Advertisers

Pandesal may palamang shabu, buking

0 120

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki na nagtangka magpuslit ng shabu habang dumadalaw sa isang kaibigan na nakakulong sa Antipolo City Police Station 2.

Sa ulat, 12:00 ng tanghali nang magdala ng pandesal ang suspek na iaabot niya sana sa preso.

Napansin ng nakabantay na pulis na may nakarolyong beinte pesos at dyaryo sa loob ng supot ng pandesal. Dito naghinala ang pulis at pinabuksan ang mga ito sa suspek. Tumambad sa kanila ang dalawang plastic sachet ng shabu.



Ayon sa suspek, personal niyang gamit ito at napasama lang umano sa supot ng pandesal. Inamin naman niya na gumagamit siya ng iligal na droga.