Advertisers

Advertisers

PHP 2.2 MILYON HALAGA NG SHABU, NASABAT SA PARANAQUE CITY

0 117

Advertisers

ISA umanong drug dealer ang inaresto ng mga otoridad matapos na magsagawa ng drug buy-bust operation mula sa isang barangay ng Paranaque City noong Martes ng gabi ( May 2,2023 )

Batay sa inisyal report na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director PBGen Kirby John Brion Kraft, nakilala ang suspek na si Mohn Chandumal Jiwatramani,64 taong gulang, habang ang isang kasama nito na si Efren John Frac na mas kilala sa alyas Zeth ay nagawang makatakas sa pulisya.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng intelligence report ang Paranaque City Police Station Drug Enforcement Unit na kabilang ang dalawang suspek sa malawakang pagtutulak ng illegal drugs sa Tramo Uno ng Brgy. San Dionisio dahilan upang matyagan ang iligal na gawain ng mga ito.



Noong Martes, bandang alas-11:30 ng gabi ay ikinasa ng Paranaque DEU operatives ang buy-bust operation sa kahabaan ng Gadiola Street na nagresulta sa pagkakaaresto sa hinihinalang drug dealer.

Nakuha sa pag-iingat ni Jiwatramani ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, three knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, genuine ?1000 bill kasama ang 49 piraso ng ?1000 boodle money na ginamit bilang buy bust money, black weighing scale, black belt bag at isang identification card na pagmamay-ari ng suspek.

Tinatayang mahigit 325 gramo na may standard drug price na P 2,210,000 ang nahuli sa sinasabing drug dealer.

Dinala ang naarestong suspek sa Parañaque City Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon, habang ang mga nasabat na item ng iligal na droga ay dadalhin sa PNP Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa quantitative at qualitative analysis.

Ang suspek ay sinampahan para sa Paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, Art. II ng R.A. 9165 at ihahain sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor, Parañaque City. (JOJO SADIWA)