Advertisers

Advertisers

PLASTIC-PAPEL-LATA

0 128

Advertisers

SINO o ano ba talaga ang dahilan at ngayon ay kinakapos na naman ang Land Transportation Office o LTO, na noong una ay plastic card lamang para sa mga lisensiya, at nitong huli ay pati na sa mga lata na ginagawang plate number ng ating mga sasakyan?

Dumiskarte pa na maituturing ang LTO nang ianunsiyo nito na sa pagkaubos ng plastic card, sila ay magiisyu ng pansanantalang lisensiyang papel. Eh di lalong umani ng puna at sisi ang ahensiya.

Maging ang ating mga mambabatas ay sumakay na. May nagpatawag ng imbestigasyon sa Kamara. May nagsabing Kongresista na napaka-simple lamang ng problema sa kakulangan ng plastic card at plaka ng LTO.



Sabi ng deputadong Congressman, kayang-kaya ng LTO na bumili ng mga ito mula sa tinatayang kita sa kolektang ibinabayad ng bawat kumukuha ng lisensiya o nagrerenew nito sa araw-araw.

Sagot naman agad ng LTO, at bilang paalala pa sa Kongresista, na hindi awtorisado ang ahensiya na gamitin ang arawang koleksyon sa paggawa ng lisensya at plaka.

Hindi raw nanggagaling sa arawang koleksyon ng LTO ang ginagamit na pondo sa paggawa ng driver’s license, plaka ng sasakyan, at sa kabuuang operasyon ng ahensya. Ang taunang pondo ay ginagawa at pinapasa ng Kongreso.

So sino ang may sala? Bakit nagkahetot-hetot ang ahensiya?

Ito ang kasagutan ng mga laging nakatutok sa mga pangyayari sa LTO – una ang pagkakautos ng Department of Transportation ng centralization, kung saan ang departamento na mangangasiwa sa mga pagbili ng mga pangangailangan ng ahensiya gaya ng mga nabanggit na problema.



Pangalawa, yun nga, ang kita ng ahensiya ay direktang nireremit araw-araw sa National Treasury. Pangatlo, ang Kamara de Representante ang naghihimay ng pondong ilalaan para sa LTO.

Baka naman ang lahat ay nag-aantay pa na ‘mangelam’ na ang Pangulo dito? Oy! Mga sir, sa dami ng inaasikaso ni PBBM na problema ng bansa, eh huwag niyo nang dagdagan pa, dahil lamang sa di niyo pagkakaintindihan, lahat naman kayo diyan sa Kamara, DoTr, at LTO eh Hindi mga BoBo!