Advertisers

Advertisers

KAHALAGAHAN NG DYARYONG TABLOID

0 349

Advertisers

Binubuo ang lipunan ng mga uri ng tao ayon sa katayuang pangkabuhayan. Nariyan ang mayaman na iilan ang bilang ngunit nagdodomina o may hawak ng kapangyarihan sa lipunan. At nariyan ang gitnang uri na karaniwang tagasunod ng unang uri na gumagalaw ayon sa ibig nito. Samantala, ang masang uri na pinakamarami ang bilang ngunit ang sala’t sa lahat ng bagay sa buhay. Sa mga uring nabangit, ang dikta sa kabuhayan ang sinusunod o timon kung saan ibig dalhin yung doon paroroon. Gamit ang iba’t – ibang paraan ng pagpapabatid, sumunod ang nakararami sa lipunan sa kumpas ng iilan dahil ang dami ng bilang ang tanging ambag. Sa pagiging moderno ng komunikasyon lumayo ang kaalaman ni Mang Juan na nagpahirap sa pagpapa-abot ng mensahe sa mga kamag-anak na nasa malayong lugar. Ngunit ng makasanayan, tila nasa dulo ng daliri ang pagpapa-abot ng mensahe na ‘di nagawa sa una.

Sa pag-inog ng panahon nariyan na tila COMELEC ang komunikasyon na dagdag bawas, dumami’t gumaan ang mga pagpapaabot ng mensahe na taliwas sa nakaraan na tila barok ang pagpapa-abot ng mensahe sa paggamit ng tele-grama na pupuntahan sa mga gusali upang mapadala ang maiksing mensahe sa kabilang dako ng mundo o ng bansa. Sa pagpasok ng Cell Phone, dumali at bumilis ang palitan ng mensahe at pwedeng maka-usap ng madalian. Ang maganda nito, mabilis na ang komunikasyon na may iba’t – ibang paraan.

Tunay na malayo na ang itinakbo ng teknolohiya subalit tila hindi maalis kay Mang Juan ang hanapin ang ilang paraan ng pagkalap ng mga balita. Nawala ang mga komiks, ngunit di ang Dyaryong Tabloid. Nagbago ang tsismisan patungo sa siyetehan at muling nagbago sa anyo ni Marites. Silip ito sa kapitbahayan ngunit meron ang social media na sikat lalo sa mga nangangalap ng balitang pang showbiz. Ang kagandahan, ‘di na kailangan ang malalaking screen ng TV dahil sa CP ay mapapanood at malalaman ang detalye ng balita. At ‘di lang pang Showbiz, nariyan ang maraming balita o bagay sa lipunan.



Sa paglakas ng paggamit ng teknolohiya, hindi nakalimot ang industriya ng pamamahayag na magkaroon ng pagpina ng ‘di maiwan sa larawan ng komunikasyon. Malaki ang hinina ng mga mambabasa ng mga dyaryo, maging ng mga pahayagan na gamit ang TV. Subalit nagpatuloy ang laban at nag-adapt ang marami lalo ang nasa print media at pumasok sa social media sa pagbuo ng mga Website o Social Media Account na susundan ng mga mambabasa nito. Sa pagpasok ng mga balita hindi matawaran na inaabot ang mga nais na uri na tumatangkilik samdala nitong balita. Balitang usaping bayan na galing mismo sa mga opisyal ng bayan na ibig na magpa-abot ng mga programa para sa kagalingang pambayan.

Sa pag-upload ng mga balita sa social media, naging mabilis na nababasa ang pagpapa-abot ng balita na nakalap sa mismong araw na nabangit. At siyang kinasisiya ng mga taga pagtangkilik. Sa pagbubukas ng website o account nababasa ang mga balita sa ngayon at kinabukasan ng alang aberya lalo’t may malakas na connection ng mga WIFI. Sa totoo lang, mabilis na nababasa ang mga balita maging ang mga opinion ng mga manunulat na nagbibigay kamalayan sa mga mambabasa. Sa kabilang banda, nariyan na maaring magbahagi ng kaisipan sa mga usapin o talastasan ng mga kuro-kuro na siyang nagiging trend na usapin. Sa pagdami ng mga nag-uusap nagiging mabili ang account na nagpapalaki sa readership ng isang account.

Sa uri ng dyaryong babasahin, ‘di naalis ang pag-uuri dahil marami sa mga nagbubukas ng website o account ng mga broadsheet ay galing sa itaas at gitnang uri sa lipunan. Marahil ito ang may dala ng balitang may kinalaman sa bitbit na interest na pinaabutan ng balita. Samantala, nariyan ang mga dyaryong tabloid na tinatangkilik ng masang Pinoy. Sa pagbabalita malaki ang pagkakaiba higit sa ginagamit na wika sa pag-papaabot ng balita. Sa totoo lang, makikita sa dyaryong tabloid ang isyu ng masang tumatangkilik dito. At ang kagandahan nito, gamit ang sariling wika na nakaugnay sa damdamin ng mambabasa. Sa totoo lang sa payak na pamamaraan ng pagpapa-abot ng balita sa masang Pinoy, nagiging usaping bayan ito dahil naipapaabot din nina Mang Juan, Aling Marya at ng balana ang damdamin sa isyung nababasa o tinatalakay na may tama sa kabuhayan. Sa kapayakan ng mga salita, mabilis itong naiintindihan ng masang tukoy.

Sa totoo lang, dumarami ang mga mambabasa ng mga Dyaryong Tabloid sa social media dahil sa madali itong mapuntahan at mabuksan. Marami sa mga manunulat nito’y may mga matatagal ng tagatangkilik na siyang bentahe nito. O’ sadyang marami ang bilang ng uri na tumatangkilik at bumabasa sa balitang dala ng mga Dyaryong Tabloid. Ngunit o sa totoo lang, nasa uri ng manunulat ang tinatangkilik ng masang kritikal. Halimbawa, ang batikang manunulat na si Ba Ipe ng Police Files Tonite na hindi magkamayaw sa dami ng mga mambabasa na nagbubukas ng account nito. At ang sa print isyu, maraming masang Pinoy pa rin ang nagpapaabot ng pasalamat sa mga manunulat na dala ang usapin na kanilang hinaharap. Ang pagdala ng usapin ng masa sa social media sa pamamagitan ng tabloid ang nagbibigay halaga sa usapin na kinahaharap. Dahil sa nakakarating ito sa mga kinauukulan at nabibigyan pansin at nakikilusan.

Sa maraming panahon hindi nawala ang dyaryong tabloid at patuloy na tinatangkilik ng masang Pinoy dahil sa kapayakan ng paglalahad sa balitang sinusundan. Hindi maalis ang pagkawili ng masang Pinoy sa pagbabasa ng balitang naiintindihan at naiuugnay ang sarili sa nababasang balita maging sa mga opinion. Patok kay Mang Juan ang uri ng balita na ipinaabot ng mga Tabloid lalo’t sa mga usaping local na kung binabasa’y tila naroon ka sa aktual na pangyayari. Sa madaling salita, mahalaga ang Dyaryong Tabloid higit sa uring kinakatawan ni Mang Juan na siyang nagpapa-abot sa mga nasa pamahalaan ng mga daing na matagal ng pasan. At sa maliit na halaga’y mababasa ang mahahalagang kaganapan sa bayan na may kaugnayan sa araw- araw na buhay.



Maraming Salamat po!!!!