Advertisers

Advertisers

Mga pulis sa anti-illegal drugs dadaan na sa butas ng karayom

0 102

Advertisers

INANUNSYO ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na sasalain nang maige ang mga pulis na itatalaga sa anti-illegal drugs unit.

Dapat noon pa ito ginawa ng PNP, hindi na sana lumakas pa ang sindikato ng droga sa bansa. Hindi na sana lumaganap pa nationwide ang mga nakakabuang na droga partikular shabu. Hindi sana nagkaroon ng maraming patayan, kungsaan napakaraming inosente ang nadamay sa kampanya kuno na obviously ay panakip-butas lang sa kanilang mga iligal na gawain.

Oo! Hindi mag-e-exist ang sindikato ng droga sa bansa kung walang mga awtoridad na sinasandalan ang mga ito. Mismo!



Kaya tama itong diskarte ng Marcos administration laban sa illegal drugs, inuunang linisin ang hanay ng pulisya partikular ang anti-drug units pati na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Dahil ang mga operatiba lalo ang mga opisyal ng mga departamentong ito ang unang nililigawan ng sindikato bago mag-operate ng kanilang nakakabuang na negosyo! Mismo!

Tamang dumaan sa butas ng karayom ang lahat ng itatalaga sa anti-illegal drugs unit. Yung mga kasalukuyang nasa anti-drugs unit lalo ang mga matatagal na sa departamentong ito ay dapat ibalik na sa Camp Crame at isailalim sa lifestyle check.

Sabi kasi ng mga kaibigan kong pulis, basta’t na-assign ka sa anti-drugs tiyak magiging milyonaryo ka sa lalong madaling panahon tulad ng sa Bureau of Customs. Ganun?

Bakit naman biglang yayaman ang na-assign sa anti-drugs unit at ang sa ibang units ay poor? Simple lang ang sagot: Nagre-recycle ng huling droga o nakorap ng sindikato ang mga operatiba. Mismo!

***



Napakalaking problema itong iniwan ni ex-President Rody Duterte sa kasalukuyang administrasyong Marcos, Jr. hinggil sa pension ng military at uniformed personnel (MUP).

Sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, ang kasalukuyang sistema ng pension ng MUP ay magbabaon sa utang ng gobyerno ng hanggang 25 percent sa 2030. Araguy!

Kaya dapat, aniya, baguhin ang pension system ng MUP. Ito’y ang ibawas sa suweldo nila ang kanilang pension tulad ng sa ibang govt. employees kagaya ng mga titser.

Itinaas kasi noon ni Duterte ng doble ang suweldo ng MUP kasama ang pensioners nang walang nakitang pagkukunan ng sapat na pondo para tustusan ito.

Nagdadalawang-isip tuloy ngayon si PBBM. Kasi tiyak na kamumuhian siya ng MUP kapag ikinaltas na sa sahod nila ang kanilang pension. At kapag itinuloy naman niya ang nasa batas na pinanday ng nakaraang administrasyon, mababangkarote ang baul ng Pilipinas.

Ang utang ng Pilipinas ay kasalukuyang halos P14 trillion na. Sa panahon ni late Pres. Noynoy Aquino, ang utang ng bansa ay nasa P6 trillion lamang!

Kawawang PBBM, nagmana ng gabundok na problema!