Advertisers
NAGLAGAY si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng dalawa pang opisyal ng gobyerno kung saan agad ding nanumpa sa puwesto ang mga ito sa Malakanyang.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kasama sa mga nanumpa sa tungkulin sa harap ni Executive Sec. Lucas Bersamin si Atty. Marjorie Ramos-Samaniego kamakalawa.
Nabatid na si Samaniego ay itinalaga ni Pang. Marcos bilang governor ng Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI).
Bukod kay Samaniego, nanumpa rin sa puwesto si dating Lanao del Sur Representative Mohammed Hussein Pangandaman makaraang iluklok ni PBBM bilang administrator ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB). (GILBERT PERDEZ)