Advertisers

Advertisers

KURYENTE SA BACOLOD CITY

0 338

Advertisers

KALAGITNAAN ng Pebrero ng taong ito nang nakatanggap ang pamunuan ng Central Negros Electric Cooperative (Ceneco) ng isang kalatas mula sa isang pribadong kompanya na nagmumungkahi ng isang joint venture agreement (JVA). Nais ng More Power, kompanya ng kuryente na pag-aari ng negosyanteng Ricky Razon, ng isang JVA sa pagitan ng More Power at Ceneco ng binubuo ng mga mamamayan ng Bacolod City bilang member-consumer-owner (MCO) ng CENECO, isang rural electric cooperative (REC).

Ipinapanukala ng More Power na gawin isang pribadong korporasyon ang Ceneco kung saan 70% ng sapi (stocks) ay iminungkahing pag-aari ng More Power at mapupunta ang natitirang 30% sa mga member-consumer-owner (MCO) ng Ceneco. Nakabinbin ito dahil kailangan sang-ayunan ng buong general assembly ng mga MCO na gaganapin sa ika-28 ng Mayo. Matindi ang pagtutol ng kasapian ng REC sa panukala.

May isang malaking grupo ng MCO ang balak dalhin ang isyu sa Korte Suprema sapagkat hindi ito umano ayon sa batas. Hindi ganito kadali na papasok ang isang pribadong kompanya upang basta kunin ang isang rural electric cooperative (REC), anila. Kung makakakuha sila ng TRO mula sa korte, mahihirapan ang grupo ni Ricky Razon na kunin ang REC sapagkat naiiba ang estratehiya na gagawin ng More Power.



Hindi bago ang More Power sa takeover ng nagbebenta ng tingi ng kuryente sa mga gumagamit. Noong 2019, kinuha ng More Power ang Panay Electric Company (PECO) sa isang kontrobersyal na takeover na humantong sa asuntuhan sa husgado. Umabot sa isandaan taon na nagbenta ng kuryente ng PECO sa siyudad ng Iloilo, ngunit pinilit ng lompanya ni Razon na kunin ang PECO sa pamilya Cacho.

Iba ang kaso ng PECO sa Ceneco. Pribadong kompanya ang PECO samantalang rural electric cooperative (REC) ang Ceneco at magkaiba ang mga batas na sumasaklaw sa kanilang operasyon. Hindi natin batid kung paano babaluktutin ng mga abogado ng More Power ang mga batas upang umayon sa kanilang agenda. Hindi maganda ang reputasyon ng More Power sa industriya.
***
HINDI lang larangan ng kuryente ang pinapasok ng mga pribadong kompanya. Kahit sa tubig, sinasakop. Nariyan ang kompanya ng mga Villar, ang Prime Water at kinuha nito ang negosyo ng tubig sa Olongapo City, Angeles City, at Malolos City. Hindi natin alam kung ano ang susunod. May ipinangakong pag-unlad sa serbisyo, ngunit hindi ito ang nangyayari.

Binalak kunin ng Prime Water ang tubig ng Bacolod City, sa pangunahing lungsod sa Negros Occidental. Ngunit nakakuha ng TRO ang mga tumututol mula sa Court of Appeals. Hindi natin kung alam ano ang kasunod sapagkat may mga nangyayaring gapangan.

Kuryente, tubig – ito ang unti-unting kinukuha ng malalaking negosyante at pamilya. Ricky Razon sa kuryente at mga Villars sa tubig. Mula sa Local Water Utilities Administration (LWUA) papunta ang negosyo sa tubig sa Prime Water ng mga Villar.

***
TUMANGGI ang gobyerno ng Timor Leste na bigyan ng political asylum si Arnolfo Teves na tumakbo sa Dili, ang capital, imbes na umuwi at sumuko sa may kapangyarihan. Hindi lang political asylum ang ipinagkait kat Teves, inutusan rin siya na lumisan sa Dili sa loob ng limang araw. Kung hindi siya aalis, malamang na dakpin siya at ipatapon.



Hindi lang dagok ito kay Teves kundi aral din sa mga pulitiko at iba pang tao na gusting gamiting ang political asylum upang makalusot. Hindi ito madaling gamitin sa pulitika. May pagkakaisa ang mga kasaping bansa sa ASEAN at ginagamit ito upang magkaisa.
***
DUMATING na ang labis namin na kinatatakutan. Ang pag-atras at pananahimik ng Altai Mining Corp. ay hindi nangangahulugan na inabandona nila ang kanilang maitim na pakay sa isla ng Sibuyan sa lalawigan ng Romblon. Mahaba ang pisi ng higanteng negosyante ng pamilya Gatchalian at sa laki ng halaga na isinuka sa unang tangka, hindi sila papayag na aatras ng ganoon lang.

Bumabalik at binabago ang kanilang istilo sa isla. Kinukutsaba ang mga Sibuyanon na halang ang mga bituka at handang magpagamit sa kanila. Nagtayo ng ng iba’t ibang organisasyon sa mga handang ibenta ang kanilang mga kaluluwa. Patuloy ang pag-harass at paninirang puri ng Altai sa mga environmental defender pati na sa Simbahan. Lalong dumadami ang mga bagong fake accounts at pahina sa social media upang atakihin ang mga environmental defender.

Ginagamit ng mining company ang binuong Sibuyan CSO MASIKAP. Kinikuwestyon ngayon ng iba’t ibang mga organisasyon na nasangkot dahil sa misrepresentation ng mga lumagda sa Memorandum of Cooperation (MoC) sa Altai. Pinabulaanan ito ng mga tunay na lider at matatanda ng katutubong Sibuyan Mangyan Tagabukid, Magdiwang Agrarian Reform Cooperative, San Fernando Agrarian Reform Community Cooperative, Nature’s Ambassadors for Sibuyan Island Youth Group, San Fernando Irrigators Association, pati na ng mga kababaihan sa San Fernando at Magdiwang. Malinaw ang panloloko ang ginawa sa MoC.

Ginagamit ang poder upang kunin ang mga nickel deposit ng isla at ibenta sa China. Ayon sa isang tagamasid: “Altai and its community relations are taking advantage of social media, weaponizing it through misinformation, harassment and greenwashing.” Hindi pa tapos ang isyu ng illegl mining ng mga Gatchalian sa Sibuyan.
***
MAY mahalagang kalatas si Senador Risa Hontiveros tungkol sa napipintong krisis sa enerhiya: “Taon-taon na lang problema ang blackouts at kakulangan ng suplay. Taon-taon na rin pinananawagan sa DoE at NGCP na kumilos sila pero bakit parang wala pa ring nangyayari? Both of these agencies should step up and put an end to this energy crisis once and for all,” Hontiveros said. The DoE and NGCP should also provide a transparent power and rates outlook for the coming days and months following the unexpected power outages across Luzon and the Visayas due to the tripping of NGCP’s Bolo-Masinloc transmission lines. “Expectation vs Reality. Dapat maging tapat ang DOE at NGCP tungkol sa kondisyon ng power supply at ano ang aasahan ng milyun-milyong konsyumer sa mga susunod na araw at buwan. Baka mangako na naman na gaganda ang sitwasyon pero puro blackouts at taas-singil pa rin. Our consumers deserve to be informed and notified. Hindi bibiglain na naman,” Hontiveros said.

The glitch not only affected the supply in Luzon, but also the exports to the Visayas, which had been running low on supplies since last week. The Manila Electric Company (MERALCO) had to implement manual load dropping, which caused power interruptions that lasted several minutes in many areas. Trading was also suspended at the WESM. According to Hontiveros, the Senate appears to have been “taken for a ride” by energy officials, specifically Secretary Lotilla, who assured that the country’s electricity supply will remain adequate and stable for the year, which appears to be at odds with the current situation. “Either the energy officials or the entire power system itself, is suffering from integrity problems. Mayroon nang reseta na noon pa na-prescribe para lutasin ang parehong problema ng suplay at reserba pero hindi sinusunod. Pangakong napako na naman,” Hontiveros stated.

***

Email:bootsfra@yahoo.com