Advertisers

Advertisers

LAHAT NG URI NG SUGALAN LAGANAP SA DELPAN, MANILA

0 142

Advertisers

Lahat halos ng klase ng sugal at mga sugalan ay laganap sa lugar ng DelPan partikular na ang mga tupada o’ tupadahan (illegal cockfight) at “three coins” o cara y cruz na araw-araw dinadayo ng mga tao.

Maliban sa tupada at three coins, nag-uuntugan din ang mga illegal horce-racing bookies na nago-operate na parang legal sa bawat kanto ng nasabing lugar.

Ayon sa ating inpormante, ang tupada at three coins ay malayang gina-ganap araw-araw sa Parola compound na kung saan tatlong tupadahan na iba-ibang tao ang kapitalista ang nagooperate ng malaya.



Sa bawat tupadahan ay matic na meron ding espasyo o lugar para sa mga mag-lalaro ng three coins na kung saan halos magkapalit-palit ng mukha ang mga mananaya.

Non-stop anila ang operasyon ng mga sugalang ito sa lugar ng Parola, Breakwater at Isla Puting Bato na nasa hurisdiksiyon ng Manila Police District (MPD) Police Station 12.

Ayon sa mga residente, kina-katakot daw nila na baka magumon at malulong sa bisyong ito ang kanilang mga constituents na wala na ringginawakundi ang mag-sugal.

Lahat na ng uri ng mga tao ay laman na ng mga sugalang ito, may mga sorbetero, mag-tataho, construction worker, mga kargadorat marami pang iba. Hindi na umaalis dito ang mga ito na maaaring nalilibang o’ nalululong na sa sugal.

Madalas na rin daw ang holdapan, nakawan at isnatchan sa kanilang mga barangay na ipinapalagay nilang bunga ng mga sugalang ito.



Nasasakupan ng MPD-PS12 ang buong Del Pan na kung saan isang Lt. Col. Agajon o’ AAHON ang station commander samantalang isang alias TATA IRINGAN ang kanyang bagman at enkargado.

Lumalabas daw na istruktura lang ang istasyong ito at symbolic figure na lang daw ang mga opisyal at mga kapulisan dito na wala daw silbi, walang bilang na lalong walang gina-gawang aksiyon hinggil sa mga sugalang ito.

Ilan beses na rin daw nilang nilapit at inireklamo ang mga sugalang ito nguni’t wala ring nangyayari dahil nagte-tengang kawali na lang daw ang lahat ng mga kapulisan dito.

Napag-alaman din na ang lahat ng illegal na aktibidad dito ay timbrado at may lingguhang parating para sa presinto na tinatanggap daw ng enkargadong si Tata Iringan.

Sa puntong ito ay nais na nilang idulog ang problemang ito kay MPD Police Director Gen. Andre Dizon na kilala nila bilang si game changer na nagbibigay ng beautiful life.

Ito na daw ang kanilang huling baraha na pinupusta nila sa butihing heneral na kanilang pinaniniwalaang agad gagawa ng aksiyon at hakbang sa kanilang matagal ng problema.