Advertisers

Advertisers

Magno, Pasuit abante sa gold- medal round sa SEAG boxing

0 102

Advertisers

GINULPI nina Irish Magno at Riza Pasuit ang kanilang kanya-kanyang kalaban para makausad sa gold-medal round ng women’s boxing sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Chroy Changvar Convention Center Martes.

Binugbog ng Tokyo Olympian Magno ang Indonesian Novita Sinadia via Unanimous decision para umabante sa finals ng women’s 54kg, Habang si Pasuit pinadapa ang Singaporean Nu Sabrina Binte Mohd Faizal via 4-1 split decision para sa finals berth sa women’s 63kg.

Dahil sa panalo ay naitakda ni Magno ang kanyang laban kontra Thailand’s Jutamas Jitpong, na nagwagi via referee-stopped-contest sa Round 2 vs hometown bet Yeleubayeva Aishagul, Habang si Pasuit makakaharap ang Vietnamese Thi Linh Ha, na nagwagi laban kay Thwe Nyein ng Myanmar via unanimous decision.



Ang limang iba pang boxers na lumalaban para sa finals at press time ay sina Rogen Ladon sa men’s 51kg, Ian Clark Bautista sa 57kg, Norlan Petecio sa 67kg, John Marvin sa 80kg at Nesthy Petecio sa women’s 57kg.

Carlo Paalam, Paul Julyfer Bascon at Markus Tongco ay sasabak sa kanilang kanya-kanyang semifinals Huwebes.