Advertisers

Advertisers

PACMAN, LAGLAG $5.1 SA PARADIGM CASE

0 125

Advertisers

SA 9-3 verdict. laglag si boxing icon MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO versus PARADIGM SPORTS MANAGEMENT, malalagasan ng $5.1 M katumbas ng Php 180 M ang dating senador.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng PARADIGM noong 2021 sa Amerika na breach of contract dahil sa hindi natuloy na laban ni PACMAN versus MMA Star CONOR MCGREGOR. Pumirma si PACMAN ng kontrata sa PARADIGM noong 2020 pero pumirma rin sa TGB PROMOTIONS para makalaban si ERROL SPENCE, JR. na hindi rin natuloy nang magkaroon ng injury si ERROL kaya ang nakaharap ng Pinoy boxing legend ay si YORDENIS UGAS. Natalo si PACMAN kay UGAS, taong 2021 at iyon ang last bout niya sa professional boxing.

May 3, 2023 pumutok ang balitang nanalo ang PARADIGM sa kaso versus PACMAN, pabor ang California Jury sa PARADIGM on a Civil Lawsuit, justifying na nilabag nga ni PACQUIAO ang kontrata sa PARADIGM SPORTS sa pagpirma sa TGB at paglaban sa ibang boksingero habang under contract sa PARADIGM.



Nasa $22 M umano ang nawasla at nalugi sa PARADIGM dahil sa ginawa ni PACMAN. Inatasan ng korte naibalik ng Pinoy boxing icon ang $3.3 M na kinuha niya sa kumpanya at bayaran din ang damages na $1.8M sa kabuuang halaga na $5.1 M. Bumaba ang hatol na hindi present si PACMAN, ayon sa balita. A week after na mailabas ang hatol, personal na dumepensa si PACMAN sa korte. Inabuso umano siya ng PARADIGM dahil hindi ito nakapagbigay o nakapagpatupad ng laban at endorsements.

Matatandaan na ayon sa legal counsel ni PACMAN na si Atty. BRUCE CLEELAND, sa mga unang paghaharap, hindi umano nagampanan ng PARADIGM ang obligasyon sa kanyang kliyente at na-take advantage ito, pagdating sa mga laban, endorsements at pagkumpleto sa $4M advance.

Sa counterclaim ni Atty JUDD BERNSTEIN ng PARADIGM, nag-conceal ang kampo ni PACQUIAO sa pre-existing agreements kasama ang TGB Promotions. Ang PSM ay itinatag noong 2009 ni AUDIE ATTAR sa Orange County, California at hawak si UFC Champion CONOR MCGREGOR.

***

BILANG nag-iisang 8-Division World Boxing Champion at binansagang ‘PAMBANSANG KAMAO’, undeniably, kakatigan ng fans si PACMAN pero marami rin ang tumitingin sa merito ng kaso ayon sa personal opinion. Hirit ng kampo ni PACMAN, may karapatan silang tapusin ang kontrata sa PARADIGM base sa claim nilang failure nito to fulfill their obligation sa bout arrangements, endorsements at completion ng advance payment.



Kung titingnan ang usapin, looks like, tama namang hanapin ang official na pagkalas ng kampo ni PACQUIAO sa PARADIGM. Wala silang pormal na pinagkasunduan sa pag-alis sa kumpanya at nagamit sa korte ang kontratang pirmado ni PACMAN. Ano pong sey nyo?

CHEERS OF MAY
Happy birthday to MAYDA ROSANTE SANTOS ALEJO of Mandaluyong City, to ROLLY SANTOS of Bataan and JO GREGORIO of MMPC, Mandaluyong LGU. May you have the best blessings. HAPPY READING!