Advertisers

Advertisers

Sixers, Nuggets tig-isang panalo nalang sa NBA semis

0 106

Advertisers

ISANG panalo nalang ang kailangan ng Philadelphia 76ers sa serye laban sa Boston Celtics sa NBA playoffs nitong Miyerkoles (Philippine time), habang pinadilim naman ng Denver Nuggets ang Phoenix Suns para makalapit pa sa minimithing puwesto sa conference finals.

Ang mataas na performance sa Boston mula kay NBA Most Valuable Player Joel Embiid ang nakatulong sa Sixers para maiposte ang 115-103 na panalo laban sa Celtics sa sariling bakuran ng huli.

Ang panalo ay naglagay sa Sixers sa 3-2 na bentahe sa best-of-seven series, kailangan nalang nila ng isang panalo para makapasok sa Eastern Conference finals sa pagbalik ng laro, Game 6, sa Philadelphia sa Huwebes.



Sa Western Conference naman, ang top-seeded na Nuggets ay isang panalo narin lang ang panalo laban sa Phoenix matapos ang 118-102 panalo sa Denver.

Ang Denver star na si Nikola Jokic ay umiskor ng 29-point triple-double para sa panalo ng Nuggest na 3-2 sa serye, kungsaa ang Game 6 ay sa Arizona sa Byernes.

Si Embiid ay nanguna sa iskoran sa balansing laro ng Sixers sa opensa, kungsaan limang players ay nagtala ng double figures.

Si Tyrese Maxey ay pinahirapan ang Celtics sa kanyang 30 points, kabilang ang 6 three-pointers, habang ang point guard na si James Harden ay biglang naging tinik sa bahagi ng Celtics, nagtapos ng 17 points, 10 assists at 8 rebounds.

“I thought Joel did a great job of shooting when he needed to shoot and passing when he needed to pass,” sabi ng Sixers coach Doc Rivers said.



“Our composure overall was good. You know they’re going to make shots, they’re going to make runs. That team is tough, and you’ve got to breathe through it. I thought our guys did that.”

Si Jokic ay nagtapos ng 29 points, 13 rebounds at 12 assists para pamunuan ang scoring ng Denvers, habang si Michael Porter Jr. ay nag-ambag ng19 points kabilang ang limang three-pointers.

Nanguna naman si Devin Booker sa Suns na mayroong 28 points, habang si Kevin Durant ay nagtapos ng 26.