Advertisers

Advertisers

1 patay, 1 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

0 95

Advertisers

Nasawi ang isang ginang at 1 ang malubhang nasugatan sa salpukan ngdalawang motorsiklo sa Mahayagm Zamboanga del Sur nitong Lunes.

Kinilala ang nasawi na si Jocelyn Rabina Conturno, 43 anyos, ng Purok 1, Boniao, Mahayag, Zamboanga del Sur. Habang nilalapatan naman ng lunas ang sugatan na si Dave Berondo Araneta, 32, ng Bag-Ong Tabogon, Tambulig, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Maj. Shellamie Chang, spokerson ng PRO9, dakong 8:45 ng gabi ng managap ang aksidente sa Purok 2, Brgy. Boniao, Mahayag, Zamboanga Del Sur.



Nabatid na binabagtaas ni Conturno ang kahabaan ng kalsada sakay isang Honda RS 125 na patungo Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Pagsapit sa nasabing lugar habang papaliko ng kaliwa ng kalsada si Contuno biglang sinalpok ito ng isang Honda Click na minamaneho ni Aranate nang tangkain mag-overtake ng huli.

Dahil sa lakas ng pagkakabanga ay kapwa bumagsak si Conturno na nagtamo ng pinsala sa ulo at Aranete na magtamo ng pinsala sa katawan.

Kapwa naman isinugod ang dalawa sa Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay si Conturno.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na aksidente.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">