Advertisers
Arestado ang isang delivery boy na paulit-ulit na gumahasa sa grade 8 na pamangkin mula noong Pebrero, 2023 sa Sta. Cruz, Maynila.
Nasa kustodiya ng Alvarez Police Community Precint, ang suspek na si Gerald Saquine alyas Seryo, 26, taga-Brgy 335, Sta. Cruz, Maynila.
Sa ulat, nalaman lamang na pinagsasamantalahan ni Seryo ang 17 anyos na biktima nang sumulat sa kanyang guro na babalik na siya sa Ilocos Sur dahil paulit-ulit ang panggagahasa sa kanya ng tiyuhin.
Nang mabasa ang liham ng estudyante kaagad na dinala ng guro sa Manila Social Welfare Department na siyang tumulong para maaresto si Seryo.
Sinampahan ng kasong Rape in relation to RA 7610 si Seryo sa Manila Prosecutors Office.