Advertisers

Advertisers

Taxi driver huli sa ‘di pag gamit ng metro, nagpahabol pa sa pulis

0 165

Advertisers

ARESTADO ang taxi driver na tumanggi gumamit ng metro sa isang pasaherong galing sa bakasyon at nakipaghabulan pa sa mga pulis sa Taguig City.

Kuwento ng mag-asawang sina alyas “Ed” at “Madz”, siningil sila ng taxi driver ng P3,500 na taripa. Galing ang dalawa sa bakasyon at magpapahatid lang sana sa Antipolo.

Gusto anilang makatipid dahil P700 ang singil ng isang ride-sharing app, samantalang nasa P500 lang ang ibinayad nila sa taxi papuntang airport galing Antipolo noong umalis sila.



Sa simula palang, sabi ng mag-asawa, kahina-hinala na ang ginawa ng tsuper dahil kinuha nito ang stub na binigay ng dispatcher, hanggang sa hindi na nila makita ang metro dahil natakpan ito ng cellphone ng driver.

Habang nag-iisip si “Ed” ng solusyon, sakto namang nakakita siya ng pulis kaya doon niya pinadaan ang sasakyan.

Mabilis na rumesponde si Cpl. Carmina Villena ng istasyon ng pulis sa Bonifacio Global City.

Umabot pa sa maikling habulan ang pangyayari, pero sa huli nasakote rin ang taxi driver.

Pinabulaanan ng driver ang mga paratang sa kanya.



Paliwanag niya, hanggang Metro Manila lang ang linya ng taxi niya, at hindi nito sakop ang Antipolo.

“Yung linya po ng taxi ko, within Metro Manila. Ngayon po, tama po yon, noong sinakay ko po ‘yung bag niya…sabi ko ‘Sir, malayo na po yon, out of Metro Manila na.’ Eh sabi niya i-metro mo. Eh sabi ko ‘Sir, may tariff rate kami.'”

Patong-patong na kasong kriminal na grave coercion, theft, unjust vexation, at disobedience to person in authority ang isasampa sa drayber. Disregarding traffic officer, reckless driving, at discrimination of passenger naman ang mga traffic violations na ipapataw sa kanya.