Advertisers

Advertisers

‘Batang Quiapo’ kabado sa katapat na seryeng ‘Voltes V Legacy’

0 362

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA nakaraang rating sa finale ng Mga Lihim ni Urduja at ang katapatan ng action series ng Batang Quiapo nina Coco Martin at Lovi Poe, nag-tie sila sa rating kung saan ay nakakuha ito ng 11.4%.
Sa pagpasok ng anime series na Voltes V ng GMA-7, tila naalarma ang Batang Quiapo sa lakas ng Voltes V Legacy. Kaya sina Lovi at Coco ay super promote ng kanilang action series.
Noong May 6 ay sila na ang naging opening ng It’s Showtime para i- promote ang kanilang serye.
Nakarating sa kanilang kaalaman na grabeng lakas ng Voltes V na kanilang makakatapat lalo na nga raw ginastusan ito nang bonggang bongga.
Hindi sila puwedeng makampante at tunay na nabahala sa pagsulpot ng Voltes V.
***
TUWANG-tuwa si Vice Ganda nang batiin ng isa sa main host ng Eat Bulaga.
Nakarating na nga sa kanyang kaalaman na binati siya ng Happy Birthday ni Joey De Leon.
Kaya ganun na lang ang kanyang pasasalamat sa Eat Bulaga.
Sa kabila na matinding magkaribal ang parehong noontime show, di naman ito naging hadlang para kay Joey na i-greet nung kanyang kaarawan si Vice.
Nakakataba nga raw ng puso na batiin at banggitin pa si Vice ng Dabarkads.
Kaya nagpasalamat ito nang bonggang bongga kay Joey.
Samantala, may papremyo naman si Joey na isang challenge na magbibigay ito ng sampung libo kapag nakanta ang theme song ng It’s Showtime.
Aba, kumasa si Jose Manalo at 10K daw ‘yun sayang at sumali na rin sa challenge sina Wally Bayola, Allan K at ilan pang Dabarkads.
Kumagat nga sila sa hamon kaya sabi ni Joey, tsugi na sila na kumanta ng It’s Showtime theme song.
Well, well, well…’Yun na!