Advertisers

Advertisers

Sisihan time!

0 165

Advertisers

Sa pagkatalo ng Gilas sa Cambodia sa men’s 5 x 5 noong Huwebes ay marami na naman ang hindi makapaniwala at naninisi. Sa 3 x 3 nga ay hindi rin tayo umubra sa kanila. Balewala ang turuan kung wala naman resolution.

Siyempre ang unang titirahin ay ang Samahan ng Basketbol ng Pilipinas dahil sila ang namamahala ng sport na paborito nating lahat. Sa ensayo pa lang hindi makabuo ng dose si Chot Reyes. Ilang araw na lang bago ang 32nd SEA Games sa Phom Penh kulang pa rin ang koponan.

Dahil host ang Cambodians dapat asahan natin na malakas sila kahit sa nakalipas ay ni hindi sila banta sa atin. Oo pwede tayo pahirapan ng Malaysia, Thailand at Indonesia at talunin rin. Pero dahil maluwag ang eligibility rules sa palaro ay pinuno ng kapit-bansa ng mga Amerikanong naturalized player kanilang team. Nagkataon pang malas ang shooting ng mga Pinoy at sobrang init sa gym na hindi pala air-conditioned at linoleum lang flooring nitong game noong Huwebes ng gabi.



Dapat walang excuses lalo sa rehiyon na tayo ang hari sa basketball. Oo kahit gawin ng mga katunggali ang lahat para madaig lang tayo sa ginto. Anticipation ng dirty tactics ay kasama sa paghahanda.

Mababa rin kasi ang pagpapahalaga ng mga basketbolista natin sa pambansang squad sa pangkalahatan at sa SEA Games sa partikular. Kaso nag-iimprove na rin ang iba. Dagdag pa rito na sobrang busy mga manlalaro natin kaya kakaunti available para sa bandila.

Ang pro league, commercial at collegiate na mga torneo ay ayaw pahiram ng mga atleta nila habang on-going mga laro nila.

Late na tuloy ang formation ng Gilas. Tapos nagbakasyon ang iba at may injury rin ang ilan.

Sumadsad na pagmamahal sa lupang tinubuan at panay sarili at kwarta na lang sila. Yan ang napakabigat na problema natin.



Kailangan talaga ng basketball summit upang magkasundo ang lahat ng mga stakeholder. Naku sa Agosto dito pa naman gagawin ang World Cup. Ngayon higit sa lahat need natin ng inspiring leadership hindi lang sa SBP, team owners.officials at players kundi pati sa captain ball natin sa Malacanang.

Oo matindi ang labanan diyan sa FIBA nguni’t kailangan magpakita tayo na may ibubuga rin. Kung sama-sama para kay LuzViMinda kakayanin yan.

Kung hindi maganap in time ang unity talks grabeng kahihiyan kung tatambakan lang tayo parati.

Ang media may mahalagang papel din sa tamang pagpuna at maglagay ng pressure sa mga taga-PBA, UAAP at NCAA na bigyan prayoridad ang Gilas.

Game na! Mabuhay TEAM Pilipinas!

***

Ayon sa pamunuan ng LA Lakers ay pagkakalooban nila ng championship ring ang lahat ng naging manlalaro nila kung sakaling magtagumpay sila ngayong taon. Oo kahit yung mga wala na sa line-up pero nakasali ngayong taon. Good gesture at magandang vibes para magwagi.

Ibig sabihin pati sina Russell Westbrook at Patrick Beverley ay kabilang sa listahan kung palarin nga sina LeBron James. Oo kahit pa hindi maigi ang paghihiwalay nila sa dalawang guwardiya.

Pero si Thomas Bryant na napunta ng Denver ay kasama rin sa talaan kahit ang Nuggets ang una sa Western Conference Finals at makakaharap nina AD kung makaisa pa sila sa Warriors.