Advertisers

Advertisers

Wala naman talagang kaso laban kay Delima

0 110

Advertisers

INAASAHAN ko na ito. Madidismis ang mga ikinaso laban kay dating Justice Secretary at ex-Senator Liela de Lima na anim na taon nang nakakulong sa PNP Costudial Center simula nang maupo at matapos ang termino ng “number one” enemy niyang si ex-President “Digong” Duterte, ama ng kaalyadong VP ni Pres. Bongbong Marcos.

Sa tatlong kasong isinalpak sa kanya ng mga “bata” ni Digong, isa nalang ang natitira. Dismissed na ang dalawa.

Unang nabasura ang kasong droga laban kay De Lima sa Muntinlupa court noong 2021, matapos bawiin ng mga convicted druglord ang kanilang testimonya na nagbibigay sila ng protection money kay De Lima.



At nitong Biyernes, May 12, binasura ng Muntinlupa RTC Branch 204 ang isa pang drug case, nangikil daw ito sa mga drug convict sa National Bilibid Prison para sa kanyang kandidatura noong 2016. Nadismis ito dahil sa pagbawi ni ex-BuCor Director Rafael Ragos sa kanyang testimonya na inatasan siya ni De Lima na ipinangolekta ng pera sa mga druglord sa Bilibid. Sinabi ni Ragos na pinilit lamang kasi siya noon ni noo’y Justice Sec. Vitalliano “Wigman” Aguirre.

Ang huling kaso, dapat ay submitted for decision narin. Kaso biglang nakaisip ng paraan ang mga kalaban ni De Lima. Pina-reopen ang kaso dahil may isusumite raw silang mga bagong ebidensiya. Na pinagbigyan naman ng korte at binitin din ang decision sa hirit na piyansa ni De Lima.

Nangyari ang mga kasong ito laban kay De Lima noong Justice Secretary siya kungsaan pinaimbestigahan niya ang Davao Death Squad (DDS) na sinasabing si Digong ang behind.

Kahit noong Commission on Human Rights (CHR) chairman palang kasi si De Lima ay tinarget na niya ang DDS. Kaya nang maging Presidente si Digong, siya ang unang pinatrabaho ng dating alkalde ng Davao City. Pinakasuhan ng droga. Resulta: Kulong ang ale hanggang ngayon.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, hindi lang si Digong ang may matinding galit kay De Lima. Maging si ex-President ngayo’y Pampanga Representative Gloria M. Arroyo ay nagngingitngit rito kay De Lima. Kasi si De Lima, Justice Sec. ng Aquino admin noon, ang trumabaho para makulong si GMA ng higit limang taon sa kasong Plunder. Hinarang pa nila noon si GMA sa NAIA nang tangkain nitong mangibang bansa para kuno magpagamot. Samantalang si GMA ang nagpuwesto kay De Lima sa CHR bago sumipsip ang huli sa Aquino (late Noynoy) admin para maging Justice Secretary. Yesss!



Nang kumandidatong presidente si Digong, sinuportahan ito ng todo ni GMA. Kaya nang manalo si Digong, nadismis lahat ng kaso ni GMA, nakalaya agad ito.

Now, nakabawi na sina GMA at Digong kay De Lima. Anim na taon na itong nagdurusa sa kulungan. Mismo!

Pero inaasahang makakalaya itong si De Lima sa mga sunod na buwan. Yan daw ang “package” sa oposisyon. Ganun?

Sa ganang akin, talagang gawa-gawa lang ang mga ikinaso laban kay De Lima. Ginantihan lang siya ng kanyang mga pinahirapan noong siya’y Justice Secretary. Peks man!