Advertisers

Advertisers

WIDODO KINULIT NG PANGULO SA VELOSO CASE

0 104

Advertisers

INIHIRIT ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kay Indonesian President Joko Widodo na suriin sa ikalawang pagkakataon ang kaso ng convicted overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso.



Ginawa ito ni PBBM sa sidelines ng 42nd ASEAN Summit and Related Summits sa Labuan Bajo, Indonesia.

Sinabi ni Marcos na ang pangungulit niya sa kaso ni Veloso ay maituturing na pabor para sa Pilipinas dahil si Widodo ang host ng ASEAN ngayong taon.

Gayunman, ipinaliwanag din ni Pangulong Marcos kay Widodo na bagama’t sinisikap nilang matulungan si Veloso ay iginagalang din naman nila ang batas ng Indonesia na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Una nang sinabi ni Marcos na hindi niya isusuko ang kaso ni Veloso at ginagawa aniya ng pamahalaan ang lahat ng remedyo, kabilang ang pardon, commutation of sentence o pagpapababa ng parusa, at kahit extradition kung saan maaaring sa Pilipinas na lamang bubunuin ng Pinay ang kanyang sentensiya. (GILBERT PERDEZ)