Advertisers

Advertisers

Mga opisyal na nagpayaman sa shabu

0 144

Advertisers

MARAMI raw sa mga opisyal ng nakaraang administrasyon ang yumaman ng todo dahil sa iligal na droga partikular shabu.

Karamihan daw sa mga ito ay mula sa Bureau of Customs (BoC), Philippine National Police (PNP), at ilang nakadikit mismo kay dating Presidente “Digong” Duterte.

Yung daan daang kilo ng shabu na nahuhuli kuno noon ay pantakip-butas lang daw iyon para maging kapani-paniwala ang kanilang “giyera” laban sa mga iligal na droga. Pero ang totoo ay mas malaking bulto ng illegal drugs ang pinalulusot.



Kung inyong naaalala, may P6.4 billion halaga ng shabu na nasamsam ng PDEA at BoC noong 2017 sa isang warehouse sa Valenzuela City. Pero nabunyag sa mga imbestigasyon ng kongreso na iyon pala’y pang-apat na shipments na.May nauna nang tatlong shipments. Ang unang shipment ay nangyari raw June 2016, isang buwan matapos manalo sa eleksyon sa pagka-presidente si Duterte. Sumunod ay January 2017, tapos March 2017, at May 2017. Itong pang-apat (May 2017) shipment ang nahuli kuno. Chinese authorities daw ang nag-tip sa BoC.

Nabunyag sa imbestigasyon na ang mga nasa likod ng nahuling shipment ay mga Intsik na dabarkads ng ilang anak ni Digong na sina Paolo, Baste at mister ni noo’y Davao City Mayor ngayo’y VP Sara Duterte-Carpio. Nabunyag ang kanilang pagkakaibigan sa pictures na ipinakita sa Senate inquiry ni noo’y Senator Antonio Trillanes. Pero walang nangyari sa kasong ito. At dedma lang sa isyung ito noon si Digong gayung napakaraming maliliit na pushers at adik ang tumimbuwang sa kanilang “Tokhang” ni noo’y PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” Dela Rosa.

Pagkatapos nito, may nakitang inabandonang 2 iron lifters sa Manila International Container Port (MICP) na nang buksan ay naglalaman ng P3.4 billion halaga ng shabu. Hindi manlang nakita sa CCTV kung sino ang nag-abandona at kung sino ang nagparating sa kontrabandong ito. Ang kontrobersiyal na si Nicanor Faeldon ang Comissioner noon ng BoC.

Ilang araw pa ang nakalipas, may nakita namang apat na nabuksan nang iron lifters sa isang inabandonang warehouse sa Imus, Cavite. Ayon sa PDEA, may traces ng shabu ang naturang lifters na kagaya ng sa MICP. Tinatayang naglalaman ng hindi bababa sa P8 billion halaga ng shabu ang 4 lifters.

Sa imbestigasyon ng kongreso, nakita sa CCTV ang ilang SUVs na pumasok at lumabas sa naturang warehouse. Mga singkit daw ang mga taong sakay ng naturang SUVs.



Lumitaw sa imbestigasyon, isang “Michael Yang” ang nasa likod ng mahiwagang iron lifters, sabi ng noo’y opisyal ng anti-illegal drugs na pina-wanted ni Digong matapos mabunyag ang naturang shabu sa lifters.

Ang sinasabing Michael Yang, ayon sa sinibak na anti-drugs officer, ang naging Presidential Adviser ni Digong. Nasangkot din si Yang sa multi-billion Pharmally scam. Pero hindi manlang nakasuhan ang taong ito sa likod ng mga akusasyon laban sa kanya. Sa halip, nilinis pa siya ni Digong!

Ang bilyon bilyong halaga ng shabu na mga nakalusot noon, posible ito yung mga kumakalat ngayon sa merkado. Dapat paimbestigahan ito ni Pangulong Marcos, Jr. Mismo!